HANGGANG SA MULI NATIN PAGKIKITA, MAHAL KO

59 1 0
                                    

“HANGGANG SA MULI NATIN PAGKIKITA, MAHAL KO”

“Sigurado kana ba talaga sa pag alis mo?” seryosong tanong ko ngunit bakas sa mata ko ang lungkot habang pinapanood si Drielle na nilalagay niya ang mga damit sa maleta niya.

Kaagad naman siya tumigil sa pag aayos ng gamit niya, napabuntong hininga at tumingin sakin.

“Wala naman ako ibang choice Arah, walang ibang mag aalaga kay Mama kapag hindi ako umuwe ng Cebu. Wala naman dito sa Pilipinas ang dalawang kapatid ko.” paliwanag ni Drielle sakin.

“Naiintindihan ko naman yun, pero pwede mo naman yatang dalhin nalang dito sa Manila si Tita diba? Dito mo siya alagan sa Manila.” malumanay na pagkakasabi ko.

Agad na tumayo si Drielle saka siya lumapit sakin.

“Saglit lang naman ako sa Cebu Love, kapag dumating na si Ate Max babalik narin ako dito sa Manila. Sa ngayon kasi, walang ibang mag aalalaga kay Mama. Don't worry, lagi parin ako tatawag, magte-text at mag me-message sayo eh. Pwede tayo mag video call. Hindi ko ipaparamdam sayo na malayo ako.” saad ni Drielle saka ako niyakap.

“Mamimiss kita Love, wag ka maghahanap ng iba doon ah.” saad ko.

“Oo naman, ikaw lang ang nag iisang girlfriend ko. Mahal na mahal kita Arah.” malambing na pagkakasabi niya at mas lalo pa nga humigpit ang yakap ko sakanya na para pang ayaw ko na siyang bitawan pa.

Hanggang sa sumapit na ang araw ng pag alis ni Drielle patungong Cebu.

LDR muna kami pansamantala, sa unang linggo ng pag alis niya ay naninabago. Nasanay kasi ako na lagi ko siyang kasama.

Mabuti nalang at uso na ang social media, nagagawa namin makapag video call anytime. Kaya nababawasan ang lungkot na nararamdaman ko.

Palagi rin kami magka-chat, kiniwento niya sakin lahat ng ginawa niya sa maghapon. Nagsi-send siya sakin ng mga picture kung anong ulam o pagkain niya at kung anong ginagawa niya sa oras na yun.

Ramdam ko parin ang pagmamahal ni Drielle sakin kahit ilang daang kilometro ang layo namin sa isa't isa.

Hanggang sa lumipas na ang anim na buwan, unti unti ay tila may pagbabago na kay Drielle.

Minsan nalang siya mag o-online, alanganin oras pa kaya madalas ay tulog na ako. Kaya naman nag iiwan nalang ako ng message sakanya, tapos kinabukasan pag gising ko saka ko tinitignan.

Nagrereply naman siya sakin, ang sabi niya busy lang daw siya at mahina ang signal doon kasi nga probinsya kaya naiintindihan ko siya.

I message him again ng “I miss u” hindi ako agad natulog para maabutan ko siya na naka-online.

Around 2AM, nag online na siya. Pero hindi niya man lang sineen ang message ko.

I wait until the clock strikes at 3:30AM, antok na antok na ako pero hindi parin siya nagre-reply sa mga message ko kahit online naman siya. Tadtad na ang message ko sakanya pero wala parin. Hanggang sa mag 4AM na, saka siya nag log out.

Parang hindi narin ako makatulog sa pag iisip kung ano na ang nangyayari sa Boyfriend ko doon sa Cebu.

Hanggang sa isang araw, napansin ko na hindi ko na nakikita ang mga post niya sa Facebook, agad ko tinignan ang timeline ni Drielle nagulat ako ng makitang hindi ko na siya friend sa Facebook.

Hindi kami nagshi-share ng password ng mga social media namin sa isa't isa kaya hindi ko alam kung ano ng meron sa account ng boyfriend ko.

Agad ko tinawagan ang kaibigan namin na si Jc.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon