004

11 1 1
                                    

“Kumusta ang first day of school?” Nakangiting tanong ko sa best friend ko nang tawagan ko siya.

“Okay naman beshie, ayon may poging transferee sa amin.” Malapad ang ngiting wika ni Andrea.“Tapos ang bango pa. OMG beshie, parang I like him na agad,” patuloy pa nito. Napangisi na lang ako sa sinabing iyon ng kaibigan ko. Kahit kailan talaga, tirador ng poging transferee 'tong si Andrea.

Andrea and I were internet bestie. Yes, we met online. Through Facebook lang kami nagkakilala ni Andrea dahil parehas kaming fan ng isang k-pop girl group, hanggang sa umabot na ng walong buwan ang friendship namin.

“Talaga? Anong pangalan? Do you have picture of him? May I see? Patingin kung pogi talaga, baka naman mas pogi pa boyfriend ko d'yan ah.”Pangungulit ko.

“Opps! Huwag muna, baka mausog.” Natatawang wika nito.

“Ang daya mo naman. Samantalang ako, kahit talking stage pa lang kami ni Justine noon pinakilala ko agad sa'yo.” Pangongonsensiya ko pa.

“Hindi ko nga alam kung pinakilala mo talaga sa akin kasi ayaw mo sabihin Facebook niya. Minsan nga iniisip ko kung baka second account mo lang ka-RS mo sa Facebook e.”

“Lowkey nga lang kasi kami.”

“Ewan ko sa'yo. Minsan nakakatampo ka na e, parang hindi mo 'ko kaibigan.” Nakangusong wika ni Andrea na animo'y ano man oras ay iiyak na.

“Huwag ka mag alala, pag nagkita na kaming dalawa ikaw ang unang una na makaka-alam.”

Mag da-dalawang taon na ang relasiyon namin ni Justine, at tulad nga ni Andrea ay through social media lang din kami nagkakilala. Isa siya sa Followers ko noon sa roleplayer account ko, hanggang sa mahanap niya ang RA ko at saka niya ako niligawan. After a couple of months, ay sinagot ko siya. Nagpasiya kami na lowkey lang, ayaw ko kasi maging open sa public ang relasiyon namin dalawa dahil ayaw ko rin ng issue. Gusto nang tahimik na relasiyon. LDR kami ni Justine, nasa Manila ako habang siya naman ay taga Cebu. Pero sa kabila ng distansiya naming dalawa, hindi iyon naging hadlang upang maiparamdam namin kung gaano namin ka-mahal ang isa't isa. Walang araw na hindi pinaparamdam sa akin ni Justine kung gaano ako kahalaga at ka-special sa kaniya. Isa sa rason kung bakit masasabi ko na sobrang swerte ko sa kaniya.

“Taga saan nga siya ulit?” Tanong ni Andrea sa akin. Bigla ko tuloy naalala na taga Cebu nga lang din pala si Andrea ngunit magkaiba sila ng City.“If I'm not mistaken, 'di ba taga Cebu rin 'yung boyfriend mo?”

“Yeah.”Tipid kong tugon.

“You okay?”

“Yes, Uhmm I call you later. Tawagan ko lang muna 'yung boyfriend ko, kumustahin ko muna.”

“Sure. Bye beshie.”

“Bye.” Nang matapos ang pag uusap namin ni Andrea ay saka ko naman tinawagan si Justine.

Awtomatiko akong napangiti nang marinig ko na ang malambing na boses ni Justine mula sa kabilang linya.

“Hello Love, sorry naging sobrang busy lang ako kaya hindi ako makapag message at tawag sa'yo. Kumusta ka? Kumusta ang first day of school?” ani Justine mula sa kabilang linya.

“Okay naman, sobrang namiss lang kita kaya tumawag ako. Naistorbo ba kita?” malumanay na wika ko.“Ikaw ba? Kumusta ka?”

“I miss you too Love. Okay lang din naman ako. Oo nga pala, may sasabihin pala ako. Sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo.”

“Ano 'yon?”

“Hindi ako nag aaral sa dati kong school, nilipat ako ni Tito ng school. Sorry kung hindi ko agad naipaalam sa'yo dahil biglaan din. Wala pa nga requirements ko e, kukunin pa roon sa dati kong school.”

“Gano'n ba? E kumusta ka naman sa bago mong school? Wala naman ba nangbu-bully sa'yo?” May pag aalala sa boses ko. Alam ko kasi kung gaano kabait si Justine, hindi rin ito mahilig makipag away. Hindi na ako nagtataka kung 'yung iba ay iniisip na pusong babae siya, masiyado kasi siyang soft hearted.

“Don't worry Love, okay na okay ako sa bago kong school.” Nakangiting wika ni Justine at natitiyak ko naman na nagsasabi siya ng totoo.“I love you palagi Love, mag iingat ka palagi d'yan.”

“Opo, ikaw din. I love you too.”

Few days later, tawag ni Andrea ang siyang gumising sa akin. Tuwang tuwa siyang ibinalita sa akin na nag sent daw ng friend request ang poging transferee sa school nila at nakaka-chat na niya ito.

Weeks passed by, isang tagged post kay Andrea at sa pamilyar na Facebook account ang siyang bumungad sa newsfeed ko. Hindi ako maaaring magkamali, ang isang Facebook account ay kay Justine.

Sa isang Milktea shop iyon, magkatabi sa upuan si Andrea at ang boyfriend ko. Nagpatuloy ako sa pag scroll ng mga litrato, doon na nagsimulang tumulo ang luha ko nang makita ko ang litrato nilang dalawa na sweet na sweet. Nakahiling ang ulo ni Andrea sa balikat ng boyfriend ko, habang ang isang litrato naman ay naka-backhug sa kaniya si Justine.

Parang naninikip ang dibdib ko habang isa-isang pinagmamasdan ang litrato nila Andrea at Justine, pakiramdam ko'y ano man sandali ay sasabog ako. Ilang sandali pa ay narinig kong tumunog ang cellphone ko, agad ko tinignan kung sino ang nag message—walang iba kundi si Justine.

“sorry Love, naging busy ako nitong mga nakaraang araw. Ngayon lang ako nakapag reply sa'yo, gumagawa kasi kami ng Research. Next week na kasi Defense namin.”paliwanag ni Justine sa chat.

Hindi ako nag atubili at agad ko na siyang tinawagan na agad din naman niyang sinagot.

“Hello Love—”

“Gaano katagal ninyo na akong niloloko?” mariing tanong ko dahilan upang hindi kaagad makapagsalita si Justine mula sa kabilang linya.

“Love ano bang pinagsasabi mo?”In denial pa nitong sagot na lalong nagpainit sa ulo ko.

“Huwag ka nang magsinungaling, alam ko na. Kitang kita ng dalawa kong mata kung paano mo 'ko niloko!”Halos sumigaw na ako sa sobrang sama ng loob. Nag uumpisa na rin tumulo ang luha ko.“Paano mo nagawang saktan ako? Paano mo nagawang lokohin ako habang minamahal kita ng totoo.”

“I'm sorry..”

“Sorry? You think saying sorry is enough? Justine niloko mo 'ko, pinagmukha mo 'kong tanga dahil buong akala ko hindi mo magagawang saktan tapos sorry lang? Iniintindi ko 'yung busy days mo, iniintindi ko kapag nakakatulugan mo na ako kasi ang iniisip ko baka napagod ka ng sobra sa pag aaral at tanging tulog lang ang pahinga mo. Nag go-good night ka sa akin tapos nag c-can't sleep ka sa iba, tangina!”

Nilabas ko na lahat ng hinanakit ko habang kausap si Justine sa kabilang linya ngunit parang sobrang bigat pa rin ng dibdib ko. Gustong gusto ko siya sampalin, gusto kong iparamdam sa kaniya kung gaano ako nasasaktan ngayon.

Magsasalita pa sana si Justine ngunit kaagad ko na siyang binabaan ng telepono, ayaw ko na marinig ang kahit anong sasabihin niya. Nang mga sumunod na araw ay nakatanggap ako ng messages mula kila Justine at Andrea, ibang account ang gamit nila dahil naka-blocked na silang dalawa sa akin. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras upang basahin 'yon, wala rin naman mangyayari. Hindi na rin naman magbabago ang tingin ko sa kanila, they betrayed me.

Hindi ako ang nawalan kundi sila, nawalan si Andrea ng kaibigan na palaging nand'yan para sa kaniya habang nawalan naman ng girlfriend si Justine na intindihin siya sa lahat ng pagkakataon. Alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkulang, minamahal at nagpakatotoo ako kay Justine sa loob ng maikling panahon ng relasiyon namin. Alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal, alam ng Diyos kung gaano ako nagsusumikap sa pag aaral para magkita na kaming dalawa. Hindi ko na kasalanan kung hindi siya nakontento sa pagmamahal ko.

Dahil naniniwala ako na kailan man ay hindi ka magiging sapat sa taong hindi marunong makontento.

THE END
✍️: @pinkishrose02

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now