CAN WE STILL BE FRIENDS

67 4 0
                                    

“CAN WE STILL BE FRIENDS”

“Let's end our relationship.” seryosong pagkakasabi ni Angelo na labis kong ikina-bigla.

“W-what did you say?” pag uulit ko dahil tila ayaw pa i-process ng isip ko ang narinig ko.

We been in a relationship for 6years at sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla nalang makikipag hiwalay sakin si Angelo.

“Ang sabi ko, tapusin na natin ang relasyon natin. Mag break na tayo Diane.” paglilinaw niya.

At sa sandaling yun ay tuluyan na ngang tumulo ang luha sa mga mata ko.

“Prank ba tayo? Babe, pina-prank mo lang ako diba? Mahal natin ang isa't isa diba?” naiiyak na pagkakasabi ko habang nakahawak ng mahigpit sa braso ni Angelo.

“Sorry Diane, pero kasi hindi na 'ko masaya sa relasyon natin. Darating ang araw na matatagpuan mo rin ang lalakeng deserving sa pagmamahal mo.” seryosong pagkakasabi ni Angelo saka siya tuluyan umalis.

Halos mapaluhod ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko lubos maisip na itatapon at sasayangin lang ni Angelo ang anim na taon na relasyon namin.

[3years later]

Nasa coffee shop ako ngayon, ang coffee shop kung saan kami unang nagkakilala ni Angelo.

Naging favorite ko na kasi ang coffee shop na 'to saka maraming masasaya memories ako dito kaya kahit wala na kami ay patuloy parin ako nagpupunta dito.

Busy ako sa pakikipag-text sa kaibigan ko ng marinig kong may humikbi sa likod ko, kaya agad ako napalingon.

Nakita ko ang babaeng may pink na highlight ang kanyang ash grey na buhok, nakatakip ang mukha niya habang umiiyak.

Naalala ko ang naramdaman ko 3years ago ng makipagbreak sakin si Angelo kaya naman agad ko siyang nilapitan, dahil iniisip ko na baka may problema din siya.

“Miss, ito tissue kunin mo.” mahinahon na pagkakasabi ko ng tumabi ako sa upuan ng umiiyak na babae.

Nakayuko naman niyang kinuha ang tissue na inabot ko.

“Salamat.” sagot niya.

Ayon sa boses niya, hindi siya totoong babae. Kundi isa siyang Beks.

At halos malunok ko ang laway ko ng iangat na niya ang ulo niya at tignan ako.

“A-angelo?” nauutal na pagkakasabi ko.

Ibang Angelo ang nasa harapan ko ngayon. Malayong malayo sa angelo na minahal at nakilala ko noon.

“Diane?” halos hindi rin niya makapaniwalang pagkakasabi.

“W-what happened? B-bakit ganyan ang itsura mo?” magkasunod na tanong ko.

“Ah pwede ba sa ibang lugar nalang tayo mag usap? Hindi dito?” malumanay na pagkakasabi niya.

“O-ok. S-sge.” nauutal na sagot ko.

Agad nga kami umalis sa coffee shop at agad na nagtungo sa condo unit ko.

“Gusto mo ba ng Juice? or gusto mo ng fruit shake? Diba favorite mo yun?” malumanay na tanong ko kay Angelo.

“Wag na kana mag abala.” sagot naman ni Angelo.

Sa totoo lang kapag tinitignan ko siya mula ulo hanggang paa ay hindi ako makapaniwala na siya si Angelo, eh mas diyosa pa yata ang ex-boyfriend ko sakin ngayon.

“Ah, Angelo----”

“Angela, yun na ang pangalan ko ngayon.” sabat ni Angelo kaya tumahimik nalang muna ako.

“Ok, Angela. Ano bang nangyari sayo kanina? Bakit ka umiiyak doon sa Coffee Shop?” malumanay na tanong ko at agad na umupo sa tabi ni Angelo----I mean Angela.

“Yung boylet ko kasi, sabi niya sakin tanggap niya ako bilang ako pero kanina ng magkita kami sa Coffee Shop, nandiri siya sakin at bigla nalang niya ako iniwan.” naluluhang pagkakasabi ni Angela.

Hindi tuwa ang naramdaman ko ng mga oras na yun sa ex-boyfriend ko, kung hindi awa.

“Kaya ka ba nakipag hiwalay sakin noon, dahil parehas tayong lalake ang gusto?” malumanay na tanong ko.

Agad naman tumitig sakin si Angela.

“Oo, matagal ko ng alam sa sarili ko na beks ako. Sinubukan ko naman magpaka-lalake noon eh. Kaya nga niligawan kita, pero wala eh. Nananalaytay parin ang berdeng dugo ko.” mahinanon na pagkakasabi ni Angela.

“Diane, galit ka ba sakin? Galit ka ba kasi niloko kita sa mahabang panahon? Galit ka ba kasi nalaman mo na beks ako. At parehas tayong maganda, pero siyempre mas maganda ako sayo.” dagdag pa ni Angela.

Bahagya naman ako napangiti sa huling sinabi niya.

“It's been 3years. Naka-move on na ako. Pero aaminin ko, nagalit ako sayo noong una, kasi hindi mo man lang sakin sinabi ang dahilan kung bakit ka nakipag hiwalay sakin. Pero ngayon, ngayon naiintindihan ko na. Kung hindi ka tanggap ng ibang tao, ako tanggap kita. Minsan na kitang minahal bilang si Angelo noon, at kaya parin kita mahalin bilang si Angela ngayon.” nakangiting pagkakasabi ko.

“So, can we still be friends?” tanong ni Angela sakin.

“Oo naman.” nakangiti kong sagot.

“Pero mas maganda ako sayo ah.” natatawang pagkakasabi ni Angela sabay punas sa luha niya.

“Oo na. Mas maganda kana sakin.” sagot ko at nagtawanan kaming dalawa.

From lovers to ex-lovers to besties na nga ang peg namin ni Angelo----Angela na nga pala.

Madalas na kami mag bonding at magkausap ngayon, madalas din kami mag share o magkwento ng problema sa isa't isa lalo na kapag usaping love life.

Kapag nagpupunta siya sa condo ko ay ako ang nagme-make up sakanya. Tapos siya naman ang nami-mili ng kulay ng buhok na bagay sakin.

Minsan pa nga niya ako pinagtanggol sa babaeng aksidente kong natapunan ng kape.

“Beks, ang gwapo oh.” kinikilig na pagkakasabi ni Angela habang nakatingin sa lalakeng nasa Gym.

“Gusto mo hingin ko yung number para sayo?” nakangiting tanong ko.

“Wag na, 'di ko siya masyadong bet.” sagot naman ni Angela.

“Akala ko ba naga-gwapuhan ka?” pagtataka ko.

“Eh basta, lipat nalang tayo ng pwesto kasi baka matunaw ako sa kakatitig niya sakin.” nakangising pagkakasabi ni Angela.

“Ang harot.” natatawa kong pagkakasabi.

[4months later]

“Oh bakit ka umiiyak?” agad na tanong sakin ni Angela.

“Si Rey kasi eh, nahuli ko na may ibang babae.” naiiyak na pagkakasabi ko.

“Sinong babae niya? Sabihin mo sakin at kakalbuhin ko.” matapang na pagkakasabi ni Angela.

“Wag na Beks.” malumanay na pagkakasabi ko sabay punas ng luha ko.

“Anong wag na? Dapat makatikim ng sabunot yung babaeng humaharot sa jowa mo. At yang boylet mo dapat makatikim din ng malakas na sampal yan sakin eh.” galit na pagkakasabi ni Angela.

“Wag na nga eh, saka hindi ko na siya boyfriend. Nag break na kami, nakipag break na siya sakin.” naiiyak na pagkakasabi ko.

“At siya pa ang may gana makipag hiwalay sayo siya na nga 'tong nangloko.” galit na saad ni Angela.

At agad naman ako napatingin sakanya.

“Ok lang, ganun naman talaga eh. Kapag ayaw na sayo bakit mo pa pipilitin eh ayaw na nga.” malumanay na pagkakasabi ko.

Kaagad naman ako niyakap ni Angela.

“Wag ka mag alala Beks, simula ngayon hindi na kita iiwan. I can be your beks forever. Pangako ko yan sayo.” malambing na pagkakasabi ni Angela habang nakayakap sakin.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now