SANA KAPAG P'WEDE NA, P'WEDE PA

86 4 0
                                    

SANA KAPAG P'WEDE NA, P'WEDE PA

"Say yes! Giselle!"

"Oo nga 'wag mo nang paghintayin pa si Kristoff, kanina pa nakaluhod 'yan."

Ilan lamang sa reaksiyon ng aking pamilya't kaibigan. Tumingin ako kay Kristoff na nakaluhod sa harapan ko hawak ang singsing. Kitang-kita ang magkahalong kaba at pananabik sa kaniyang mga mata habang diretso itong nakatingin sa mga mata ko.

"Mag yes kana apo, nang mabigyan niyo na ako ng apo ni Kristoff," ani Lola Cecelia.

"Apo niyo na sa tuhod 'yon Lola," kantiyaw ng aking pinsan na si Gabriel.

"Giselle, I will asking you again. Will you marry me?" Pangatlong tanong ni Kristoff sa akin. Hindi ko alam, nababalot ng panlalamig ang buo kong katawan. Ang mga kamay ko ay nanginginig habang sobrang bilis naman ang tibok ng puso ko.

Huminga ako ng malalim at saka ko mariing ipinikit ang mata ko kasunod nang pagpatak ng aking luha. Sa pagdilat ko ng aking mata, nakita ko ang mga kaibigan namin ni Kristoff maging ang pamilya namin na nag hihintay sa isasagot ko.

"Kristoff..." sambit ko sa pangalan niya at isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi."I'm sorry." Patuloy ko na ikinunot ng kaniyang noo.

"B-Bakit ka nagso-sorry? Babe, just answer me yes. You don't need to say sorry," aniya.

"Sorry Kristoff, pero hindi ako pa ako handa na magpapakasal sa'yo." Sa wakas ay nailabas ko na rin ang salitang kanina pang bumabagabag sa akin. Halos matulala si Kristoff sa sinabi ko, kita rin ang pagkabigla sa mukha ng relatives at mga kaibigan namin.

"C'mon Babe, this is not the perfect time para magbiro," ani Kristoff na nananatiling nakaluhod sa harapan ko.

"I'm not kidding Kristoff," seryosong saad."I'm sorry. I am really sorry Kristoff." Patuloy ko pa at nagmamadali akong lumabas ng silid. Sa bawat hakbang ko papalayo kasabay noon ay luhang pumapatak mula sa mata ko.

"Babe, can we talk?" Napatigil ako sa paghakbang matapos marinig ang walang buhay na boses ni Kristoff. Mabilis kung pinunasan ang luha sa aking pisngi at nilingon siya.

"K-Kristoff." Nauutal na saad ko nang harapin ko na siya. Ngunit laking gulat ko nang ngumiti siya sa akin. Paano niya nagawang ngumiti after what I did?!

"I love you Giselle. Sorry kung nabigla kita sa proposal ko kanina," ani Kristoff na dahan-dahan humahakbang papalapit sa akin.

"I want to pursue my career as Fashion Designer," saad ko."Next week na 'yung flight ko papuntang New York." Patuloy ko pa.

"Giselle, nag usap na tayo tungkol d'yan hindi ba?" ani Kristoff.

"Oo nag usap na tayo, pero kasi alam mo kung gaano ko kagusto na ma-pursue ang fashion career ko sa ibang bansa. At ang mapabilang ang isa sa designs ko sa isang prestigious fashion event sa New York ang isa sa pinaka pangarap ko noon pa man. Three months ago nang makatanggap ako ng email from them, at hindi ko 'yon kayang tanggihan." Mahabang paliwanag ko habang sinsero akong nakatingin sa mga mata ni Kristoff, umaasang maiintindihan niya ako.

"Pero paano naman ako Giselle?" seryosong tanong ni Kristoff.

"Just give me a little more time, Kristoff. And when I came back, I promise to marry you. I will marry you. Pero sa ngayon, hayaan mo muna ako na i-pursue 'yung mga pangarap ko." Malumanay na saad ko.

"Ang tagal ko nang naghihintay, Giselle. Halos sampong taon na!" giit ni Kristoff."Kung itutuloy mo ang pag alis mo, I can't promise you na mahihintay pa kita," patuloy pa niya dahilan upang muling pumatak ang luha ko.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon