THE UNWANTED CHILD

82 8 0
                                    

“THE UNWANTED CHILD”

—ANNA POV—

My mom was only 17year old when gave birth to me. Sabi ng Lola ko, biktima daw si Mommy ng panghahalay noong 16year old palang si Mommy.

Maraming beses daw ako sinubukan ipalaglag ni Mommy noong nasa sinapupunan niya palang ako pero masyado akong makapit, kaya nabuo parin ako sa tiyan niya. Hanggang sa ipinanganak na ako 14years ago.

Walang araw na hindi nagagalit si Mommy sakin. Palagi niya ako pinapalo ng hanger, walis-tambo, tsinelas at kung ano ano pa. Minsan pa nga, bigla nalang ako babatuhin ni Mommy ng tabo kahit nagbabasa lang naman ako ng libro habang naka-upo sa sofa.

My mom hates me so much, but I still love and respect her. She's still my mom after all.

Naiintindihan ko naman bakit galit na galit si Mommy sakin, dahil kasi sakin ay hindi naipagpatuloy ni Mommy ang pangarap niya na maging Engineer.

“Mom, may group activity po pala kami ng mga classmate ko. Sa bahay po ng kaibigan kong si Lea-----”

“Edi umalis ka, bakit ba nag papaalam ka pa sakin? Kailangan mo ng pera?!” singhal sakin ni Mommy.

“Hindi po mom, nag paalam lang po ako sayo. Baka po kasi hanapin niyo po ako.” malumanay na pagkakasabi ko.

“Kailan ba kita hinahanap? Sige na umalis kana.” pagtataboy sakin ni Mommy.

Hahalik pa sana ako sa pisngi niya bilang paalam sakanya pero agad siyang umiwas sakin. Kaya naman umalis nalang ako.

—CLAUDINE POV—

“Saan na naman pupunta yung apo kong yun?” agad na tanong ni Mama na kararating lang.

“Sa classmate daw niya.” seryosong sagot ko.

“Anong oras na ah, kumain na ba muna yun si Anna bago umalis?” pag aalala ni Mama.

“Aba ewan ko, bakit niyo sakin tinatanong? Siya naman magugutom kapag hindi siya kumain.” sarcastic na pagkakasabi ko at agad na tumayo.

“Saan ka pupunta?” tanong sakin ni Mama.

“Sa kaibigan ko, may usapan kasi kami na magkikita-kita kami ngayon.” seryosong pagkakasabi ko at agad na rin akong umalis.

—ANNA POV—

Around 3PM ng umuwe ako sa bahay, pero wala si Mommy. Siguro nag shopping na naman kasama ang mga kaibigan niya.

Naisip ko na baka gutom si Mommy pag uwe niya kaya nagluto ako ng pagkain para pag uwe ni Mommy ay kakain nalang siya.

Ngunit pasado alas-otso na ay wala parin si Mommy, gusto ko tawagan si Mommy kaso nga lang baka magalit na naman siya sakin. Baka murahin niya ako pag tinawagan ko siya.

—CLAUDINE POV—

Around 1AM, ng makauwe na ako sa bahay. Pag dating ko ay naabutan ko si Anna na natutulog sa sofa kaya agad ko siya sinipa para magising siya.

“Mommy, nandito na po pala kayo.” papungas pungas pa ng mata na saad ni Anna.

“Bakit ka dito natutulog? May kwarto ka diba? Pumanhik ka doon sa kwarto mo.” inis na pagkakasabi ko.

“Hinintay ko po kasi kayo mommy, para sabay tayo kumain.” malumanay niyang sagot.

“Bakit dala ko ba yung rice cooker? Na saakin ba yung ulam? Bakit hindi kana lang kumain ng mag isa? Bata ka ba?” sarcastic na pagkakasabi ko.

—ANNA POV—

Para wala ng mahabang pag uusap ay agad narin ako nagtungo sa kwarto ko.

Gusto ko umiyak, pero walang luha lumalabas sa mata ko. Gusto magalit kay Mommy pero hindi ko magawa, mahal ko si mommy kahit na lagi siyang galit sakin.

—CLAUDINE POV—

Kinabukasan, kasalukuyan ako nanonood ng TV ng mag ring ang cellphone ko.

Teacher ni Anna ang tumatawag sakin.

“Ano na naman kayang ginawa ng batang 'to.” inis na pagkakasabi ko bago ko sagutin ang tawag.

“Mommy po ba ito ni Anna Sanchez?” mahinanon na tanong ng Teacher ni Anna.

“Ako nga, bakit?” mataray na sagot ko.

“Si Anna po kasi, sinugod sa Hospital bigla nalang kasi hinimatay matapos dumugo ang ilong niya.” saad ng Teacher ni Anna.

Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng awa sa nag iisang anak ko. Kaya agad ko nagtungo sa Hospital kung saan siya dinala.

Pag dating sa Hospital, isang masamang balita ang sinalubong sakin ng Doctor.

May acute brain cancer si Anna, at ang pinakamasakit pa para sa isang ina na hindi naiparamdam sa kanyang anak ang pagmamahal ng isang ina ay ang malaman na hindi na madadaan pa sa gamot ang sakit ni Anna.

—ANNA POV—

Nagising ako na nasa isang silid ako, ngunit hindi ito ang kwarto ko.

Nagulat din ako ng makitang nakasubsob sa gilid ng kama ko si Mommy habang hawak ang kamay ko.

“M-mommy?” nanghihinang pagkakasabi ko.

Agad naman siya nagising.

“May masakit ba sayo Anna? Nagugutom ka ba?” pag aalalang tanong ni Mommy sakin.

Totoo ba 'to? Nag aalala sakin si Mommy? Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito.

“Ok lang po ako mommy.” sagot ko.

Nagulat naman ako ng bigla ako niyakap ni Mommy.

“Magpagaling ka anak. Babawe pa si Mommy sayo.” saad ni Mommy habang nakayakap sakin.

At bigla na nga lang umagos ang luha sa mata ko matapos kong marinig yun mula kay Mommy.

“I love you Mommy.” nakangiting pagkakasabi ko.

“I love you too, anak.” saad ni Mommy at agad niya akong hinagkan sa noo.

—CLAUDINE POV—

Pabalik na ako sa Hospital matapos kong bilhin ang paboritong pagkain ni Anna, ngunit halos mabitawan ko ang hawak kong paper bag ng makitang tinakluban na ng puting kumot ang katawan ng anak kong si Anna.

“Anong ginagawa niyo?!” agad na tanong ko habang nangigilid ang luha sa mata ko.

“I'm sorry Mrs. Sanchez, pero hindi na po kinaya ng pasiyenye. Apat na beses po namin siyang nirevive pero wala na po talaga. Condolence po.” mahinanon na pagkakasabi ng Doctor.

Nanginginig ang buong katawan ko ng lapitan ang bangkay ng anak kong si Anna.

Agad ko nga 'tong niyakap at saka ako humagulhol ng pag iyak.

Isang araw matapos mailibing si Anna, ay may binigay sakin si Mama na isang box.

“Ano 'to?” malumanay na tanong ko.

“Buksan mo.” saad naman ni Mama at kaagad na tumabi sakin.

Agad ko nga binuksan ang box. Naglalaman ito ng pera at isang sulat.

Agad ako napatingin kay Mama bago ko binuksan ang sulat.

“Hi Mommy Happy Birthday, alam ko naman na hindi mo 'ko kayang tanggapin bilang anak mo. Ngunit gayun pa man ay nagpapasalamat ako na ikaw ang naging mommy ko, ang swerte ko parin po sayo. Kahit araw araw ka po nagagalit sakin mahal na mahal parin po kita mommy. Sinabi po sakin ni Lola na pangarap niyo maging Engineer balang araw, kaya po ito. Nag ipon po ako ng pera para maipag patuloy mo po ang pangarap mo. Hindi ko po ginagastos ang mga binibigay niyo sakin, iniipon ko po ito para sa'yo. Mahal na mahal kita Mommy.

Love,
Anna”

Awtomatiko naman tumulo ang luha sa mata ko matapos ko basahin ang sulat ng anak kong si Anna.

“Ibibigay niya sana yan sayo sa Birthday mo next month, pinatago niya sakin. Surprise gift niya daw sayo.” saad ni Mama.

At ng oras ngang yun ay doon na bumuhos ang luha sa mata ko. Sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko dahil hindi ko naiparamdam kay Anna ang pagmamahal ng isang ina na hinahangad niya.

—THE END—


ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now