My Own Love Story

45 1 0
                                    

I still remember how we met...

“Hello po.” Nakangiti kong message sa'yo.

Ewan ko ba, pero noong araw na 'yon hindi ako makapaniwala na nakilala ko na 'yung taong pinagdarasal ko since 2014.

Gabi noong mag reply ka sa message ko sa'yo. Mabilis tayong nagkapalagayan ng loob dahil na rin sa marami tayong similarities, and we also shared the same vibes.

I still remember how you told me that you love me...

“Seryoso ako sa'yo. At kaya kitang hintayin. Hindi hadlang 'yung distansiya natin dalawa. Ang mahalaga ay 'yung nararamdaman ko para sa'yo. Mahal kita.”

I was so shocked that night. Ilang buwan pa lang tayo noong magkachat. Naisip ko na mag lay-low muna. Sinadya ko na hindi magparamdam sa'yo. Baka sakaling magbago ang nararamdaman mo sa akin—pero hindi iyon nagbago o nabawasan man lang.

Until I found myself falling inlove...with you

Naging on and off man ang communication natin, alam ko na rin sa sarili ko na gusto na rin kita. You're my ideal man, my ideal boyfriend. You're my answered prayer.

It was September 2021, noong bumalik ang communication natin. That time, nagsisimula na ako sa writing journey ko at isa ka sa mga taong naniwala sa akin na kaya ko—na balang araw magiging isang ganap na libro ang mga kwentong sinusulat ko. Naging sobrang close ka sa family ko, especially to my mom. Lagi ka rin nand'yan to support me being a writer. Sa bawat achievement ko kasama kita.

I will never forget the day I said yes to you...

It was 19th of November 2021 noong maging officially in a relationship tayo. And you're the first man I introduced to my family. Sobrang support ang family ko sa relationship natin na labis ko ikinatuwa. Naging malapit din ako sa isa mga kapatid mo. Naging close ko rin ang girl best friend mo (even until now).

Walang minuto na hindi mo 'ko pinapakilig. Walang minuto na hindi ako nakangiti habang ka-chat at kausap ka. You always makes me smile, kahit sa panahon na down na down ako, nand'yan ka to lift me up.

I will never forget the day you promised me...

“No matter how hard the situation is, don't give up on relationship.”
“Talikuran ka man ng mundo, nandito lang ko para sa'yo.”
“Hinding hindi kita iiwan. Kasama mo ako sa lahat ng laban mo.”

Ilan lang 'yan sa mga pinangako mo sa akin na pinanghawakan ko hanggang sa huli.

Akala ko hanggang dulo na tayong dalawa..

“Hindi ka na raw niya mahihintay.” Napatulala na lamang ko sa screen ng cellphone ko habang binabasa ang message ng sister-in-law mo hanggang sa maramdaman ko na lang ang mainit na likidong humahalik sa pisngi ko.

Bago ako makatanggap ng message na 'yon, one of your friend told my mom na nag uninstall ka na ng Facebook at messenger. The same day noong ma-hospital ako dahil na rin sa sobrang pag iisip sa'yo, kung bakit ilang linggo ka walang paramdam sa akin after ng birthday ko (May 2, 1999). Akala ko busy ka lang, akala ko pagod ka lang sa trabaho mo kaya hindi ka nag o-online. Pero ibang pagod na pala 'yung naramdaman mo.

Kahit gano'n, naghintay pa rin ako sa'yo. Hinintay pa rin kita na makapag usap tayo.

Until your girl bestfriend messaged me. Sinend niya sa akin 'yung screenshot ng conversation niyo. Doon ko nalaman na may new account ka pala, pero dahil nire-respeto ko ang privacy mo hindi ko na lang inalam kung anong account 'yon.

Nakakapagod maghintay sa walang kasiguraduhan...”
“It's getting toxic kasi as long as I am waiting nasasaktan ko na sarili kong emotion.”
“I want to live my life with peace of mind..”

Ilan lamang sa message mo sa kaibigan mo. Iniisip mo na walang kasiguraduhan ang pagkikita natin without knowing na kaya ako madalas mag OT sa work ay dahil para mabilis ako makaipon. You left me without knowing na may plano ako i-surprise ka sa first anniversary natin—na may plano akong makasama ka.

Four months later...

Here I am, writing this story while looking back from those good and bad memories of us.

I can't deny the fact that you're my greatest love and also the one who gives me so much pain.

So far, magkaibang daan na ang tinatahak natin. And even you hurt me so bad, I'm still wishing you all the best in your life and If someday our path cross, siguro magpapasalamat pa rin ako sa'yo. Dahil minsan sa buhay ko, naranasan ko magmahal kahit ang kapalit nito ay kabiguan.

END

(Based on true story)
✍️: pinkishrose02

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now