FANGIRL MODE

63 6 0
                                    

“FANGIRL MODE”

“Hoy Cindy, kanina ka pa nakababad d'yan sa cellphone mo. Maghugas kana ng plato doon.” saad ni nakatatandang kapatid ko na si Ate Louise.

Agad ko naman tinanggal ang earphone na nakasalpak sa tenga ko saka siya tinignan.

“Naghugas na ako kagabi ah.” pagtanggi ko.

“Kagabi yun, iba ngayon. Tumayo kana d'yan. Puro K-Pop na naman inaatupag mo. Bilis na, maghugas kana. Kapag naabutan ni mama yung mga hugasin sa kusina magagalit na naman yun.” saad ni Ate Louise.

“Oo na ito na nga eh.” saad ko at saka ko binitawan ang cellphone na hawak ko saka agad na tinungo ang kusina.

“Oh, magco-concert na pala dito mo eh.” saad ni Ate Louise.

“Huh?!” pagkabigla ko at agad siyang nilapitan. Hawak ko pa ang isang plato at ang sponge.

“Joke lang.” natatawang pagkakasabi ni Ate Louise.

“Kainis ka naman eh.” asar na reaction ko.

“Sus, kahit naman mag concert dito idol hindi ka parin naman makakapunta.” seryosong pagkakasabi ni Ate Louise na nakataas pa ang isang kilay niya.

“Sinong may sabing hindi? May pera ako para maka-attend ng concert ng mga asawa ko.” pagmamayabang ko habang naglalakad ako pabalik ng kusina.

“Oh, may pera ka naman pala eh. Nakaraan araw nangungutang ako sayo ng pera sabi mo wala kang pera.” saad ni Ate Louise ng sundan niya ako sa kusina.

“Nilalaan ko yung pera na yun sa mga asawa ko. Mag ipon karin kasi ng sarili mong pera.” sarcastic kong pagkakasabi.

“Asawa? Eh hindi ka nga kilala ng idol mo. Asawa ka d'yan. You can be his fan, but you will never be his girl ika nga.” seryosong pagkakasabi ni Ate Louise.

“Ah basta, asawa ko parin siya.” pagpupumilit ko at napailing nalang si Ate Louise.

——

Nandito ako ngayon sa Airport, sumama kasi ako sa pinsan ko na maghatid sa mama niya na magwo-work sa Canada.

“Liza, saglit lang ah. Hanap lang ah, hanap lang ako ng comfort room. Kanina pa ako naiihi eh. Naparami yata yung softdrinks na nainum ko.” paalam ko sa pinsan ko at agad naman siyang tumango.

Sa paghahanap ko nga ng ladies room sa loob ng airport I accidentally bumped into a man.

Matangkad siya, maputi, nakasuot siya ng sunglasses, naka-mask, naka-bonet at may earphone sa tenga.

“Are you hurt?” agad na tanong niya sakin.

Hindi naman ako agad makapagsalita at nakatitig lang ako sakanya. Kahit natatakpan ng face mask at sunglasses ang mukha niya, halang halata ang kagwapuhan niya.

“Miss, are you ok?” muli niyang tanong sakin.

“Yes, I marry you-----I mean yah, I'm ok. Sorry.” nakangising pagkakasabi ko at tila hindi ko mapigilan na hindi kiligin. Ewan ko ba, sadyang marupok lang siguro talaga ako.

Bigla naman siya napatingin sa phone case ko. Picture kasi ng Ultimate Bias ko sa isang sikat na k-pop group ang nasa likod ng phone case ko.

“Are you a fan of him?” seryosong tanong niya.

“Yeah, he's my husband.” kinikilig na pagkakasabi ko.

“Husband?” natatawa niyang tanong.

“I mean, he's my ultimate bias. And you what's my biggest dream?  Is to meet him personally. I want to hug him.” kinikilig ko na naman pagkakasabi.

“Really?” tila hindi niya pa makapaniwalang pagkakasabi.

“Yes. Uhmm by the way, I'm Cindy.” nakangiting pagpapakilala ko sabay lahad ng palad ko sakanya.

Nagulat naman ako ng bigla niya ako hilahin palapit sakanya at bigla nalang niya ako yakapin. Sa gulat at pagkabigla ay hindi ako nakagalaw.

“I'm your ultimate bias. Thank you for supporting and loving me.” saad niya habang nakayakap siya sakin.

At halos hindi na ako makapag salita ng mga oras na yun. Wala akong ibang naririnig kundi ang tibok lamang ng puso ko.

Maya maya pa ay kumalas na siya mula sa pagkakayakap sakin. Habang ako ay nakatitig parin sakanya.

Hanggang sa pasimple na niyang tanggalin ang facemask at ang sunglasses niya. Pero agad din niyang binalik dahil baka may makapansin sakanya.

[6years later]

“Oh akala ko ba isasama mo yung boyfriend mo na manood ng concert ng *insert k-pop group name*. Para naman ma-meet ko narin siya.” saad ni Patricia ang co-fandom at kaibigan ko habang nanonood kami ng concert.

Agad naman ako ngumisi.

“Hindi niya ako masasamahan na manood. Dahil nasa stage na siya, nagpe-perform.” nakangiting pagkakasabi ko habang pinapanood ang boyfriend ko na miyembro ng isang sikat na K-Pop Boy Group.

I'm HIS fanGIRL

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon