UNA'T HULI

343 5 0
                                    

Maxwell feel be like

Akala noo'y nagmamahal na ko,
Subalit nagkakamali yata ako,
Simula nang ika'y makilala,
Sa paningin ko ayaw ka nang mawala.

Siguro nga sa iba ako'y nagkagusto,
Pero ikaw ang minahal ko ng ganito,
Na tila lahat ng sa akin ay nawala,
Mga pangarap ko lumabo na lang bigla.

Ikaw ang aking una't huli,
Dalangin kasama ka sa bawat sandali,
Nang mahalin ka nagpakatotoo,
Inasam na tanggapin mo ng buong buo.

Ikaw ang aking una't huli,
Minulat mo sa sariling pagkakamali,
Nang mahalin ka tanggap na hindi perpekto,
Handang mahalin ka hanggang hininga'y huminto.

Ikaw ang una't huli kong mamahalin,
Ang alagaan at ingatan ka ay aking tungkulin,
Ikaw ang una't huli kong pangarap,
Biyaya na natupad at aking natanggap.

Dahil sa 'yo naging buo na ko,
Kailanman hindi ka susukuan, pangako,
Ako ang liwanag sa dilim ang iyong buwan,
Ako ang iyong Del Valle na hindi ka bibitawan.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now