LOVE WITHOUT LIMITS

297 4 0
                                    

Nagtungo sa Laguna para s'ya'y malimutan,
Sinubukang paghilumin ang pusong nasaktan,
Hanggang sa ikaw ay aking makilala at makita,
Ang unang ginawa ay sinungitan kita.

Ako ay isang babae na mataray,
Hindi maitatanggi na isa ring maingay,
Hindi naglaon ikaw ay aking hinangaan,
Iyong mga kapatid ay iyong inaalagaan.

May ugali tayong pareho at magkasalungat,
Pagpunta rito tila nais ipagpasalamat,
Iyong buong atensyon ay nasa pag-aaral,
Tila walang oras upang magmahal.

Subalit puso ko ay hindi sumuko,
Na balang-araw mapapansin mo ko,
Ginawa ang lahat upang mapansin,
Minsan nga nagawa na kitang inisin.

Nasanay na sa iyong pagsusungit,
Hindi kita tinigilan sa pangungulit,
Araw-araw na sinasabing gusto kita,
Walang paki sa iyong masakit na salita.

Aking pagkagusto nauwi sa pagmamahal,
Para makatulong sa 'yo muling nag-aral,
Matagal tagal din tayo nagkalayo,
Ginagawa ang lahat para sa 'yo.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon,
Hindi nagbago pakikitungo sa akin mula noon,
Ipinapakita na masaya kapag ang kasama ay s'ya,
Ipinapakita harapan sa akin nag-aalala ka sa kanya.

Ewan ko ba, hindi pa rin ako sumusuko,
Kahit na masakit nais makita na nandito pa rin ako,
Nagulat ako sa pagbabago sa aking paligid,
Nandito lang nakikinig sa 'yo sa isang gilid.

Sa aking mga ginagawa wala kang sineryoso,
Hindi maiwasan kumirot nitong puso,
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga,
Umaasa pa rin nagmumukha na ngang tanga.

Nabuhay muli ang pag-asa ko,
Nang bulungan mo ako,
Keep breathing then, aking naririnig,
Puso ko bumibilis ang pintig.

Akala ko tayong dalawa ay sabay,
Pero sa 'yong kotse ayaw mong isakay,
Kaya sa kapatid mo ko nakiangkas,
Sa pagmamaneho isa ring maangas.

Nagbago bigla ang iyong timpla,
Sa akin nagsungit ka na naman bigla,
Sa elevator ayaw mo ko pasakayin,
Ano ba problema mo sa akin?

Sa loob ng OR ako ay natataranta,
Sa tuwing ika'y nagsasalita,
Hanggang sa ako iyong kausapin,
Ang sakit ng iyong salita, mahirap tanggapin.

Ikaw nga ang dahilan lahat ng ito,
Pero 'di naglaon trabahong ito ay ginusto,
Sa aking hangarin mahirap kang paniwalain,
Mga kilos at salita ko kelan mo seseryosohin.

Nagdadalawang isip kung pupunta,
Dahil ikaw doon ay makikita,
Tahimik sa iyong harap,
Hindi kita masyadong kinakausap.

Si Maxrill ay tumabi sa akin,
Kinuha ko s'ya ng makakain,
Inaya n'ya ko sa pagsayaw,
Iba ang mga salita mo at galaw.

Nagulat nang nasa tabi ka na namin,
Nagtataka nang nagawa mong tanungin,
Tama ba si Maxrill hindi ka nakilos na walang kakompetensya,
Iyon ka mas pinili na ihatid sa bahay si Keziah.

Nagulat nang iyong pinuri sa aking performance,
Sayang may dalang kotse kaya ihatid mo nawalan ng chance,
Inaya mo na lang sa inyong bahay dahil may party,
Nahuli ako nang dating, dami pa lang nakiparty.

Sa iyong ikinikilos ako ay naninibago,
Kaya pagtataka ko ay hindi na maitago,
Panay pa ang tanong mo na may pagpili,
Ayaw ako lumayo kahit na sandali.

Nagugulat ako sa iyong pagsigaw,
Atensyon ng mga nandon ay naagaw,
Inilayo ako sa harapan ni Maxrill,
Ang mag-isip ng kung ano ay hindi ko mapigil.

Umuwi na ang lahat ng bisita,
Pero hindi nagbago ang iyong asta,
Sa paglangoy nagpustahan pa kayo,
At ako ang ginawa ninyong premyo.

Nagpapasalamat dumating si Maxpein,
Nagawa kayong dalawa patigilin,
Iyon na naman ang nakakapanibago,
Ang malambing mong pakikitungo.

Lagi kang alerto kapag nandiyan si Maxrill,
Kaya pag-iisip ko ay hindi matigil,
Hanggang sarili binigay na sa 'yo,
Tanggap kung sakali ika'y lumayo.

Ibinigay ang lahat dahil ika'y mahal,
Ganitong sitwasyon 'di malaman kung magtatagal,
Umalis ka na patungo sa Palawan,
Heto ako muling naiwan.

Ilang buwan hindi ka tumawag sa akin,
Hindi na malaman aking iisipin,
Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Maxrill,
Mga ikinikilos n'ya pati sila ay napapatigil.

Nang malaman mo ihahatid n'ya ko,
Dumating ka sa Laguna na gulat ako,
Naiinis sa 'yo dahil napahiya s'ya,
Humingi ako ng paumanhin sa kanya.

Hindi ko inaasahan ika'y maghihintay,
Sa iyong ayos ng pagtulog ay nakakangalay,
Ginising kita at niyakap mo pa talaga ako,
Sinuway kita dahil pinagtitinginan na tayo.

Inihatid kita sa mansion ninyo,
Pinagluto kita at inasikaso,
Nag-usap kami ni Maxpein,
Humingi s'ya ng pabor sa akin.

Nagtrabaho na rin ako sa inyong ospital,
Ganoong sitwasyon natin ay nagtagal,
Hindi malinaw ang ating relasyon,
Hanggang sa hindi ko napigilan ang aking emosyon.

Hindi ko inaasahan ang iyong pag-amin,
Na ako pala ay mahal mo rin,
Ating relasyon ay hindi naging madali,
Nagkaroon ako ng matinding pagkakamali.

Naging ganid at makasarili ako,
Nasaktan ko, ikaw na mahal ko,
Isa kong naging mapanghusga,
Bagay na pinagsisihan ko talaga.

Pinili ko munang lumayo,
Akala balewala na ko sa 'yo,
Karanasan ako ay natulungan,
Nawala sa 'kin ang alinlangan.

Tayo ay muling nagkita,
Hindi kita matingnan sa iyong mata,
Dahil sa kuwento ni Randall,
Naramdaman ko muli na ako ay iyong mahal.

Tadhana tila tayo'y sinusubok dalawa,
Nasaktan ka dahil sa mali kong nagawa,
Sa tabi mo ay nagbabantay,
Walang sawang naghihintay.

Nang ika'y unti-unting gumaling,
Pakasalan ka, sa akin iyong hiniling,
Walang paglagyan ang aking saya,
Isang hindi malilimutan na sorpresa.

Tuloy tuloy na sana iyon ang akala ko,
Subalit nagkakamali pala ako,
Tayong dalawa ay kanilang sinaktan,
Hanggang magising ka na ako lang ang nakakalimutan.

May pangamba sa puso na nabubuo,
Hindi pa sigurado kung totoo,
Pangarap na matagal nating hiniling,
Maaga ba nating makakapiling?

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Место, где живут истории. Откройте их для себя