IINGATAN KO

473 15 0
                                    

Maxwell feel be like

Ang tagal ng kinikimkim,
Itong itinatagong lihim,
Lihim na pagtingin,
'Di ka mawalay sa aking paningin.

Dinadaan sa pagsusungit,
Kapag iyong kinukulit,
Hindi ako mapalagay,
Pag 'di naririnig ang iyong pag-iingay.

Tahimik na tinitikman ang iyong luto,
Nagkukunwaring hindi ko gusto,
Pero ito ay aking hanap-hanap,
Itinatanggi kapag ika'y kaharap.

Umuuwi ako sa aming mansyon,
Masilayan ka lang aking inspirasyon,
Emosyon na ito ay aking itinago,
Itinatago sa malamig na pakikitungo.

Nabatid na hindi ka kayang tiisin,
Naiinis pag ang iba iyong napapansin,
Nasanay na ako lang iyong nakikita,
Kung alam mo lang gusto rin kita.

Laking tuwa na muli kang mag-aral,
Nagkukunwari lamang umaangal,
Masaya na itinuturing mong inspirasyon,
Iingatan ko ang damdaming ito hanggang ngayon.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon