LOVE WITHOUT LIMITS

146 3 0
                                    


Isang istorya noon na hindi inaasahan,
Nasa aming mambabasa naghatid ng kasiyahan,
Dalawang kapatid n'ya na tila nagpapaligsahan.

Dalawang magkapatid na iisa nga ba ang nagugustuhan?
Isang damdamin na umusbong na hindi inaasahan,
Isang damdamin na tila naguguluhan.

Love without limits ano nga ba ang kahulugan?
Sino ang mamahalin at mananatiling kaibigan?
Istorya na ating muling kakikiligan.

Panganay na Del Valle na parating seryoso,
May nagpapatibok na nga ba ng kanyang puso,
Maxwell  Del Valle na may pagkamisteryoso.

Bunsong Del Valle na malaki ang pinagbago,
Sariling damdamin ay hindi na maitago,
Pagiging maangas na sa kanyang dugo.

Sa puso ng minamahal sino ang mananalo?
Sino ang tatanggap ng pagkatalo?
Kanilang istorya ano kaya magiging dulo?

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon