DEL VALLE

659 17 0
                                    

Yaz feel be like

Sarili ko muna ay aking gagamutin,
Para mga katanungan magawang sagutin,
Ngayon alam ko na ayos na s'ya,
Maaring ako ay nalimutan na rin n'ya.

Tanggap ko na hanggang doon na lang,
Sa pagtitiwala kasi ako ay nagkulang,
Na humantong upang s'ya'y masaktan,
At kami ay mas nagkasakitan.

Buhay ko sa kanya ko inikot,
Sarili ko nagawa kong malimot,
Kasiyahan ko sa kanya ko idinepende,
Nasaktan ko ang aking Del Valle.

Del Valle na magmahal ay sinubukan,
Pero s'ya'y akin lamang sinaktan,
Hindi kasi ako nagpakatotoo,
Kaya nasira ang pangarap n'yang binubuo.

Kahit anong gawin hindi ko na maibabalik,
Ang init kanyang yakap at halik
First born Del Valle na sa akin nagpabago,
Pero sa aking mga ginawa s'ya ay nabigo.

Sana kung magkita man kami ay buo na ko,
Masasabi sa kanya na ayos na rin ako,
Magagawang magpasalamat pa sa kanya,
At masabing 'di nagsisisi na minahal ko ang tulad n'ya.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon