YazWell

365 11 0
                                    

Hindi na kita bibitawan,
Hindi na kita iiwan,
Mundo mo ay aking yayakapin,
Baby ko magtiwala sa akin.

Hawak kamay tayo mangangarap,
Sabay tayo titingala sa alapaap,
Ikaw na matagal ko nang hinihiling,
Walang kasing saya pagkat ika'y kapiling.

Sa akin ika'y magtiwala,
Pag sinabi kong ayaw kitang mawala,
Bawat umaga sabay nating sasalubungin,
Makakaasa sa 'yo lamang aking paningin.

Ramdam na tayo ay tuluyang mabubuo,
Pagmamahalan natin wagas ang isisimbolo,
Matutupad din ating kahilingan,
Sa pagsubok tayo ay magtutulungan.

Ikaw ang nagbibigay liwanag sa aking gabi,
Kaya hindi kita hahayaan mawalay sa aking tabi,
Sa pagmamahalan natin ay hindi ako susuko,
Sasamahan kita sa pagharap aking pangako.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now