LWL

259 6 0
                                    

Yaz feel be like

Hindi na n'ya ko naaalala,
Tahimik akong nakatingin sa kanila,
Pagsubok na kailangan kong harapin,
Katotohanan na kailangan kong tanggapin.

Pagmamahal ko ay sinusubok,
Puso ko tila ba'y tinutusok,
Magagawa ko nga bang kayanin,
Na hindi na ko ang iyong kakailanganin.

Magsisimula ako sa umpisa,
Maghihintay muli at umaasa,
Kakayanin ko pa kaya ang sakit,
Sa 'yo 'di kayang maghinanakit.

Kung oras kaya ko lang ibalik,
Hihilingin pati nararamdaman mo sana ay manumbalik,
Tahimik na lamang pagmamasdan ang buwan,
Tatanungin s'ya kung makakaya ba kitang bitawan?

Ang pagmamahalan nating magsisimula,
Ako na lamang tanging nakakaalala,
Paano na ang mga pangarap at pangako,
Kung heto tila ako ay pinasusuko.

Masasaya nating alaala,
Sa kawalan ako'y napapatulala,
Ito na ba ang kapalit,
Ng ating love without limits?

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now