KATULAD N'YA

531 15 0
                                    

Yaz feel be like

Ngayon masaya na s'ya,
Naging tama ang aking pagdistansya,
Hindi ko pa rin maiwasan na masaktan,
Madali lang pala kong kalimutan.

Sabagay s'ya ay nababagay sa kanya,
Ito ay mas naiintindihan s'ya,
Samantalang ako, sakit ang dinulot ko,
Sinira ko ang mga nabitawan kong pangako.

Mga luha sa aking mga mata matutuyo rin,
Sarili ko ay magagawa ko ring patawarin,
Magkakalakas loob muli na tumayo ulit,
At makakangiti rin ng hindi pilit.

Makakatagpo rin ng tao na uunahin ako,
Mamahalin ang mga pagkukulang ko,
Magiging ayos din ako katulad n'ya,
Makakahanap din ng dahilan upang maging masaya,

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon