ZAIMIN YAZ

339 15 0
                                    

Maxwell feel be like

Ngayon lamang nagkaganito,
Na sa isang babae sobrang nagkagusto,
Dahil sa kanya sinimulan na ang pangarap,
Na nakikita ang sarili na s'ya'y kasama sa hinaharap.

Pasimpleng inaalam ang kanyang mga hilig,
Sa kanyang ingay lamang nawiwiling makinig,
Bawat kilos n'ya palihim kong kinakabisa,
Tanging luto n'ya ang hinahanap ng aking panlasa.

Ang matagal ko nang minimithi sa buhay,
Maipatayo ang pinapangarap kong bahay,
Pangarap na hindi inaakala na maisasakatuparan,
Masaya at nagtagpo ang aming kapalaran.

Nakangiti na habang hawak ang kanyang kamay,
Babae nasa hirap at ginhawa aking makakaramay,
Zaimin Yaz Marchessa pinakamaganda sa aking mga mata,
Babae na matagal ko nang iniingatan at sinisinta.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now