Chapter 49

471 19 0
                                    

Yaz feel be like

Halik n'ya sa akin ay nagustuhan,
Aking tinanong ko saan n'ya natutunan,
Sa akin daw ang sagot naman n'ya,
Hindi ko matandaan iyon sabi ko sa kanya.

Pareho kong nagustuhan ang labi at halik n'ya,
Gusto ko pa sana mas higit pa sabi ko sa kanya,
Hinalikan n'ya muli ako, kami ay natigil,
Paano pumasok na si Maxrill.

Mga pagkain inilapit nito sa kanya,
Sinubuan at kinantahan pa s'ya,
Ang kanta nito ay tungkol sa aso,
Kaya naman natawa ako.

Sa kanya lumapit na ko,
At s'ya'y muling inasikaso,
Muling tumugtog si Maxrill,
Kami ni Maxwell parehong napatigil.

Malungkot ang kanta pero nakangiti s'ya,
Ako ay natuwa, ang kantang iyon para kanino kaya,
Kay Maxwell ako ay napatingin at sumang ayon sa akin,
Kanyang kapatid sinimulan n'yang asarin.

Hanggang pumasok sina Randall at Keziah,
Biniro ko si Keziah na mas maganda ko sa kanya,
Si Maxwell ay agad naman sumang-ayon sa akin,
Natuon kina Randall at Maxrill ang atensyon namin.

Kahit kelan itong si Randall ay loko-loko,
Si Maxrill tuluyan nang naasar dito,
Lalabas na sana kaso pumasok si Maxpein,
Gusto raw n'ya kong kausapin.

Kinakabahan ako na lumapit sa kanya,
Tinanong n'ya kung ayos na kami ng kanyang kuya,
Sa ex ko galit na galit, at ako raw ay kanyang naiintindihan,
Hindi ko naman daw ginusto kaya 'di ko kasalanan.

Mahal na mahal daw ako ng kanyang kuya,
At mga mata nito ay pinakamaganda dagdag pa n'ya,
Gusto n'ya ay matapang, pero maarte ako,
Ayaw n'ya ng maingay, pero dahil sa 'kin napagpasensya.

Nakakasama na nila ng madalas si Maxwell dahil sa akin,
Iyon ang bagay na hindi ko napapansin,
Isa s'yang mabait na anak, apo at kapatid sabi pa n'ya,
Sumang-ayon ako sa kanya.

Naluha ako sa mga sinabi sa akin ni Maxpein,
Lalo na ng ako ay kanyang yakapin,
Kay Maxwell ay sadyang napakasuwerte ko,
Buong pamilya n'ya ay tanggap at mahal ako.

Nang makabalik ako sa kuwarto,
Napaiyak na naman ako,
Sinabi ko kay Maxwell mahal ko s'ya,
Sagot n'ya ay ako rin mahal n'ya.

Hanggang sa unti-unti s'yang gumagaling,
Nanatili ako sa tabi n'ya habang s'ya'y nagpapagaling,
Sabi n'ya sa akin ay nagugutom na s'ya,
Hanggang sumagot na sa akin si Keziah.

Nang makasakay kami sa van,
Itong si Randall puro kalokohan,
Inaasar n'ya si Keziah,
Kay Dein ay isusumbong daw s'ya.

Pati si Maxrill gusto n'yang guluhin,
Ito nagmamaneho nang sinasakyan namin,
Si Maxwell tuwang tuwa sa best friend n'ya,
Pero nakikinig ito sa kanya.

Hanggang makarating na kami sa sadya namin,
Sa Tops kung saan buong Cebu magawa mong tanawin,
Pinuntahan muna namin aming pamilya,
Hanggang muling hilahin ko na s'ya.

Hindi ko inaasahan ang aking makikita,
Naluha na ang aking mga mata,
Nagliliwanag ang katanungan na 'yon,
Hanggang sa kanya ako'y lumingon.

Nakaluhod na s'ya,
Will you marry me ang tanong n'ya,
Tumango at sumagot ako,
Nang maisuot n'ya ang singsing s'ya'y niyakap ko.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon