MAPAPAGOD BA

158 1 0
                                    

Yaz feel be like

Mapapagod ba kong maghintay,
Kung mauuwi rin naman na walang saysay,
Kung hindi naman ako ang gusto n'ya,
May dahilan pa ba ko upang hintayin s'ya.

Sa mga gawi n'ya sa 'kin dapat ba ko makampante,
Sa buhay ba n'ya ako ba ay isa ng importante,
Wala namang kami bakit ako maghihinakit,
Hanggang kelan ko matatagalan ang kinikimkim na sakit.

Sapat lang nga ba sa akin na s'ya'y nakakasama,
Naghihintay din ako na matugunan ang aking nadarama,
Hanggang kelan ako maghihintay sa kanya,
Sana sabihin sa akin kung ako ay pinaaasa lang n'ya.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon