Chapter 58

259 4 0
                                    

Lumapit s'ya sa akin,
Tissue ay inabot n'ya sa 'kin,
Nagpasalamat ako sa kanya,
Tumalikod ako ramdam ko pa rin ang tingin n'ya.

Matapos kong magsepilyo ako ay kanyang binuhat,
Sa gitna ng kama ay inihiga n'ya na aking ikinagulat,
Hindi ko inaasahan ang  sinabi n'ya sa akin,
Buntis daw ako sabi n'ya bigla sa 'kin.

Mabilis ko iyon itinanggi sa kanya,
Alam daw n'ya kasi doktor daw s'ya,
Dahil sa sinasabi n'ya kinakabahan ako,
Sunud-sunod na ang mga iniisip ko.

Kaming dalawa bahagya pang nagtalo,
Bakit tila nagbago ang kanyang pakikitungo,
S'ya raw ang magluluto ng almusal,
Noong una ako ay umaangal.

Ang pag-iisip ay aking nakatulugan,
Nang magising ako s'ya'y nasa aking harapan,
Ako ay kanyang inaasikaso,
Sinusubuan pa n'ya ko.

Pinipilit n'ya na ako ay buntis,
Sa kanya ako ay naiinis,
Magpacheck up sasamahan pa n'ya ko,
Kaya naman mas kinabahan ako.

Mabuti s'ya ay aking nakumbinsi,
Napakakulit n'ya kasi,
Binuksan nga ang tv sa pambatang programa,
Tiningnan ko s'ya ng sobrang sama.

Nagpaalam na saglit na bababa s'ya,
Gusto lang n'ya makita si Keziah,
Hindi man ako nagawang lapitan,
Okay na lang ang binigay kong kasagutan.

Napaiyak ako at nakatulog,
Nagising ng cellphone ko ay tumunog,
Si Tito More si Maxwell ang hinahanap,
Kaya naman tumayo ako nag-ayos at s'ya ay hinanap.

Nakita ko s'yang masaya kasama si Keziah,
Nang marinig nila ko, nawala ang ngiti n'ya,
Nasaktan ako sa aking nasaksihan,
Matapos silang kausapin, s'ya'y aking tinalikuran.

Humabol s'ya sa akin,
Ayoko muna s'yang kausapin,
Sakit na aking nadarama ayaw maalis,
Sa kanila ako ay naiinis.

Ang hindi makita si Keziah ay 'di n'ya matiis,
Halata sa kanya na sobra n'ya itong namiss,
Sinabi ko iyon lahat sa kanya,
Alam n'yang nagpapagaling pa s'ya.

Nagpaaalam ako kay Tito More saka ko lumabas,
Kasama si Maxrill hinintay ko na lang sila sa labas,
Kaming dalawa ay nag- asaran pangit talaga nila magbiro,
Kaya naman s'ya ay hinampas ko.

Pati sa pagsakay sa passenger seat,
Si Maxwell ay sumisingit,
Ako pilit na pinapababa n'ya,
Ayoko inis ako sa kanya.

Pati si Maxrill ay kanyang pinapababa,
Ano problema n'ya ba?
Si Tito More ay nagsalita na rin,
Wala kong choice kundi sumunod din.

Nang makarating kami sa mansion,
Pinagmamasdan ko mga kilos n'ya doon,
Parang wala s'yang amnesia,
Ako lang talaga kinalimutan n'ya.

Pati sa uupuan ko kami ay nagtalo,
Kapag nalaman ko na s'ya'y nagloloko,
Banta ko sa kanya ay bantay lang s'ya,
Wala kong pakialam kung nandon kanyang pamilya.

Mauupo at tatabi ako kung kanino ko gusto,
Baby bigla ang tawag sa kin ng loko,
Baby mo mukha mo sabi ko sa kanya,
Hindi s'ya titigil sigaw ko, napatiklop s'ya.

Napasubo s'ya ng pagkain at sinabing masarap,
Pamilya n'ya na nakatingin ay aking binigyan ng pag-irap,
Bukod siyempre kay tita Maze na mas mataray sa 'kin,
Kaya itong si Maxwell kapag nagloloko lagot s'ya sa akin.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now