(LWL)

258 9 0
                                    

Ilang taon ka ba sa piitan?
Tila iyong nalilimutan,
Hindi pa s'ya ang pinakamataas,
Pero natamaan ka na ng malakas.

Anong klaseng sakit ang iyong hanap?
Huwag mag-alala malapit mo nang malasap,
Huwag mo ubusin ang kanilang pisi,
Dahil hindi ka na makakangisi.

Hindi lahat ay iyong nalalaman,
Kahit magdamag kang magmanman,
Hindi na sila natutuwa sa iyong banta,
Sige baka iyan na huli mong salita.

Iihip na ang malakas na hangin,
Talasan mo ang iyong paningin,
Mata mo ay panatilihing nakamulat,
Sige ka baka tamaan ka ng kidlat.

Ikaw na ang pinakamalakas,
Ito na ang huli mong takas,
Subukan mo pa sumalisi,
Ikaw talaga ay magsisisi.

Ano ngayon kung ikaw ang nagturo?
Dugo ay dadaloy walang halong biro,
Madali naman silang kausap,
Hinahanap mo iyo nang malalasap.

Ginulo mo ang kanilang bakasyon,
Humanda ka na sa aksyon,
Mahal n'ya 'wag mong tingnan,
Dahil pagsikat ng araw baka 'di mo na madatnan.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Où les histoires vivent. Découvrez maintenant