Chapter 46

455 14 0
                                    

Si Katley ako ay pinagsabihan,
Ang nangyari kanina kanyang nasaksihan,
Kay Maxwell ay nagpapahabol daw ba ako,
Hindi mabilis na sagot ko.

Mayroon sa akin na gusto ko kanyang maramdaman,
Ang maghintay ay kanya ring maranasan,
Si Katley ay pinayuhan na ako,
Kailangan sa dalawa ay pumili na ko.

Si Maxwell ang mahal ko hanggang ngayon,
Pero si Rembrandt din naman deserve ng pagkakataon,
Kailangan ay magdesisyon na talaga ako,
Iisipin mabuti kung ano gagawin ko.

Naglalakad ako boses ni Randall ay narinig ko,
Kung ano ano ang sinasabi ng loko,
Napansin ko si Maxwell nilalaro ang sariling pagkain,
Sa hawak kong lasagna, ako ay napatingin.

Si Randall tuloy pa rin sa pagsasalita n'ya,
Hanggang sa sigawan ko na talaga s'ya,
Sila ni Maxwell sa akin gulat na napatingin,
At ang Randall ay talagang ngumiti pa sa 'kin.

Pinaupo n'ya ko sa upuan na nasa gitna nila,
May kasama ako sabi ko sa kanila,
Babe pa ang tinawag n'ya sa akin,
Sabay kami ni Maxwell sa isa't isa napatingin.

Patuloy lang si Randall sa topic n'ya,
Sa sobrang inis hinampas ko s'ya,
Si Maxwell ay tumawa,  sa kanya sumimangot ako,
Pinagsabihan ko s'ya, at inilapag sa harap n'ya ang isang lasagna ko.

Napatingin agad s'ya sa akin,
Ngumuso s'ya habang nakatingin sa pagkain,
Si Randall naghihintay na asarin s'ya,
Pero hindi na tumingin si Maxwell sa kanya.

Patuloy pa rin si Randall sa pagsasalita,
Kaya panay hampas ko at sita,
Sabi ko isusumbong ko s'ya kay Dein,
Close raw kami puna ng mga kasama namin.

Ako raw ay kaibigan nila ni Keziah,
Si Maxwell ano ko raw s'ya tanong sa kanya,
Itinuro n'ya si Maxwell at sinabing iniwan,
Pagkatapos ako ang itinuro n'ya na nang iwan.

Napa OMG ang mga nagtanong sa kanya,
Kaya si Randall hinampas ko ulit s'ya,
Sa inis ko ay tumayo na talaga ako,
Hinawakan ni Maxwell ang kamay ko.

Ubusin ko raw ang pagkain ko sabi n'ya,
Wala na kong gana sagot ko sa kanya,
Si Randall ako ay hinila paupo,
Sabi n'ya b7ibilhin ni Maxwell ang ospital kaya kumain na ko.

Nangibabaw ang boses ni Keziah,
Sa seminar daw kami ni Maxwell naka register sabi n'ya,
Kaso inilipat pala ako nitong si Randall,
Hindi ko maiwasan ang hindi umangal.

Ayoko maghiwalay kami ni Katley sabi ko,
Kaya ililipat na rin daw sa kanya ito,
Naubos na ang snack time namin,
Lasagna ko ay hindi ko masyado nakain.

Hindi ko inaasahan na magsasalita s'ya,
Ang lasagna ko ay kinuha n'ya,
Ubusin ko raw ang lasagna ko,
Sabi ko oras na ng trabaho.

Ako raw ay susubuan n'ya,
Marunong ako kumain mag-isa sabi ko sa kanya,
Tinawag ko s'ya sa kanyang pangalan,
Baby daw itawag ko lasagna kanyang bibitawan.

Sa lasagna na bigay ko ay nagpasalamat s'ya,
Lumabas daw kami mamaya,
Sabi ko si Rem ay susunduin ako,
Nagsalita pa s'ya pero tinalikuran ko.

Hinihintay ko si Rembrandt ngayon  ay late  s'ya,
Nagsalita si Randall sa likod ko kasama si Keziah,
Si Maxwell ay hinahanap ng mga mata ko,
Si Rembrandt daw ay kinakausap nito.

Lumabas agad ako at lumapit sa kanila,
Akala ko, ako ang pinag-uusapan nila,
Si Rembrandt ay galit na galit,
Kay Maxwell s'ya'y nagagalit.

Pati ako ay sinigawan n'ya,
Nagsorry ako sa kanya,
Kinabukasan muntik na ko mahuli sa trabaho,
Pagpasok ay si Randall agad nakita ko.

Si Maxwell inaya ako mag-almusal kasama s'ya,
Nagtataray na naman ako sa kanya,
Pero sa kanila ay sumama na ko,
Si Randall patuloy pa rin ang pagkukuwento.

Anong singsing ang sinasabi n'ya,
Kaya naman tinanong ko s'ya,
Akala n'ya ay alam ko,
Sa nalaman ay naiiyak na ako.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon