SUBALIT

560 15 0
                                    

Yaz feel be like

Kahit paano 'y nagpapasalamat dahil minahal n'ya,
Na kahit paano 'y naging mahalaga ko sa kanya,
Na kahit paano 'y minsan kanyang pinili,
Subalit sakit ang aking naging sukli.

S'ya ang matagal na pinangarap na natupad,
Pero hindi ko inalagaan mabuti, kaya nawala rin agad,
S'ya ang naging katuparan ng aking mga pantasya,
Subalit sinaktan ko lamang s'ya.

Hindi pa handa na makita s'yang muli,
Naaalala ko pa ang aking pagkakamali,
Sakit na nadarama ay kasalanan ko mismo,
Kaya walang saysay kung muling magsusumamo.

Masaya na rin kahit sa dalawang buwan,
Naging masaya bago n'ya ko binitawan,
Ngayon makitang nagagawa na n'yang ngumiti,
Dapat maging masaya na, subalit puso ko sumisigaw ng pighati.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now