LOVE WITHOUT LIMITS

423 16 0
                                    

Maxwell feel be like

Nang tumingin sa 'yong mga mata,
Tila isang anghel ang aking nakikita,
Hindi agad ako nakapagsalita,
Noong una tayong nagkita.

Ikaw ang ingay na gusto kong pakinggan,
Ang iyong mukha lamang ang nais titigan,
Nangungulila sa iyong kaingayan,
Ingay na akin nang nakakasanayan.

Ako ay manininibugho,
Kapag sa aking paningin ika'y naglaho,
Damdamin kong matagal na itinago,
Ngayon huwag mong gawing bigo.

Love without limits sambit natin sa isa't isa,
Hindi mo naman ako ulit iiwan mag-isa,
Panghahawakan ang damdamin natin ay iisa,
Huwag mo ko bitawan aking Marchessa.

Sa isa't isa tayo ay nangako,
Ngayon pa ba tayo susuko,
Hindi na kakayanin na ika'y lumayo,
Hindi ba hanggang sa dulo ay may tayo.

Nakatingala sa langit,
Ngalan mo ang sinasambit,
Sabihin makikita kita ulit,
Sabay nating bibigkasin Love without limits.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon