YAZWELL

385 11 0
                                    

Pagdating n'ya ay hindi inaasahan,
Napatitig sa kanya nagandahan,
Tila puso ko nagkaroon ng kasiyahan.

Nadarama itinago sa pagsusungit,
Kunwari pa sa kanya ay nagagalit,
Kapag palagi n'yang kinukulit.

Sa ingay wala akong pasensya,
Subalit nang makilala s'ya,
Hanap-hanap ko ang ingay n'ya.

Masaya kapag kanyang sinusundan,
Hindi batid na s'ya'y pinagmamasdan,
Bawat kilos n'ya ay pinag-aaralan.

Inaalam ang kanyang mga paborito,
Hinahanap hanap ang kanyang luto,
Hindi n'ya batid, sa akin ganito kanyang epekto.

Sa pagkukunwari ako'y naging eksperto,
Natutuwa ako kapag s'ya'y natututo,
Hindi n'ya alam pag-aari n'ya puso kong ito.

Bumilang ng maraming taon,
Para atensyon ko sa kanya rin maituon,
Kaba sa aking puso ay biglang bumangon.

Nasanay ako sa pakikipagkompetensya,
Lalaban ako kung ang premyo ay s'ya,
Lahat gagawin ko alang-alang sa kanya.

Damdaming itong matagal kong kinubli,
Kaya puso't isip ko ay hindi mapakali,
Nananalangin ako pa rin ang kanyang mapipili.

Hindi handa ang puso na masaktan,
Sakit na idinulot n'ya ay nahirapan kalimutan,
Pero sa puso ko wala s'yang balak palitan.

Kailanman hindi humiling sa nakaraan,
Naniniwala sa akin s'ya ang nakalaan,
Ang mawala s'ya ay hindi ko hahayaan.

S'ya na lang kulang sa akin upang mabuo,
S'ya ang tanging hiling para matupad ang pangarap binubuo,
S'ya ang babaeng minamahal ko ng wagas at totoo.

Wala nang paki sa kanyang nakaraan,
Mahal n'ya ako aking natatandaan,
Sa piling n'ya pakiramdam ko ay gumagaan.

S'ya ang tanging babae na aking pahinga,
Babaeng pangarap na katabi sa paggising sa umaga,
S'ya ang babae na hindi ko matutumbas sa anomang halaga.

Love without limits,
Alam ko ngayon ay nakamit,
S'ya ang mahalagang tao na hindi ko pagpapalit.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon