ZAIMIN YAZ MARCHESSA

668 19 0
                                    

Yaz feel be like

Mamamanhid din ang aking pakiramdam,
At sa kanya mawawalan ng pakialam,
Hindi na magiging apektado sa kanya,
Makakayanan na harapin din s'ya.

Mararamdaman din na ako ang sinayang,
Na s'ya ang dapat itong manghinayang,
Ang kumpiyansa sa sarili ang ibabalik,
Lahat sila sa akin muling mananabik.

Matatapos din ang pagmumukmok,
Ang ilabas ako ay may mag-aalok,
Hindi ko na mararamdaman muli ang pag-iisa,
Ibabalik ko ang dating Zaimin Yaz Marchessa.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now