MAXIMILLIAN LAURENTIUS AND MAXIMILIENNE LAUREEN

926 21 1
                                    

Maximillian Laurentius at Maximilienne Laureen,
Ang pangalan ng kambal namin,
Hindi namin inaakala ng aking asawa,
Na sila ay magiging dalawa.

Hindi ko kasi ginusto alamin,
Gusto ko maging sorpresa sa amin,
Sila ang biyaya na natanggap ko,
Sa kabila ng paghihirap at hindi pagsuko.

Kamukha nila ang aking asawa,
Aking puso ay nag-uumapaw sa tuwa,
Sila ang bunga ng pagmamahal namin,
Sila pinaka espesyal na regalo sa amin.

Maximillian at Maximilienne,
Sa araw-araw aking makakasama na rin,
Walang katumbas ang saya isang ina na ako,
Nagpapasalamat ako sa lalaking mahal ko.

Sila ang aming kambal,
Bunga ng wagas naming pagmamahal,
Hindi ako nagsisisi na sumubok magmahal ulit,
Sila ang regalo sa aming Love without limits.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now