MAXWELL AND YAZ (Love Without Limits )

514 18 0
                                    

Simula na ng ating magpakailanman,
Hindi ka ipagpapalit kahit kaninuman,
Puso at isip ko ikaw lang nilalaman.

Ikaw ang aking natatanging pahinga,
Tanging nagpapaganda ng aking umaga,
Mahal na mahal kitang talaga.

Hawak kamay tayo bubuo ng pangarap,
Sa pagsubok sabay nang haharap,
Ikaw ang taong matagal ko nang hinahanap.

Mamahalin kita na walang alinlangan,
Sa buhay ko ikaw na lang ang kailangan,
Mamahalin kita ng walang hanggan.

Pagmamahalan natin walang limitasyon,
Ating papatunayan sa kanila iyon.
Ikaw ang kahapon, bukas at ngayon.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon