YAZ AND MAXWELL (LOVE WITHOUT LIMITS)

529 17 0
                                    


Magmula nang magtama ating mga mata,
Aking hinaharap ay akin nang nakikita,
Sa sarili unti-unti ka nang inaangkin,
Naniniwala na ika'y para sa akin.

Ngayon lang ito nadama,
Na may nanaising makasama,
Ikaw ang nagbigay ng ibang kulay,
Sa dalawang kulay ng aking buhay.

Sa pag-ibig wala kong kaalam alam,
Pero kapag nakikita ka, masaya ang pakiramdam,
Aking nadarama ay iningatan at itinago,
Umaasa na ang sa iyo ay hindi magbabago.

Kung kelan naging handa na ko,
Sinusubok naman ako,
Ikaw ang aking naging inspirasyon,
Handang mahalin na walang limitasyon.

Kahit ilang beses akong nasaktan,
Puso ko hindi ka nais kalimutan,
Aking pagmamahal ay walang limitasyon,
Minamahal ka na mula noon hanggang ngayon.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Où les histoires vivent. Découvrez maintenant