Chapter 40

996 26 0
                                    

Yaz feel be like

Noong una nag-aalinlangan ako,
Pero sa huli nakapagdesisyon na ko,
Kaya naman pinuntahan ko na s'ya,
Na ikinagulat naman n'ya.

Aalis na ko buo na ang aking pasya,
Bakit daw iiwan ko raw s'ya?
Kaya hindi ko maiwasan malito,
Sulat na nabasa kanya ba talaga galing ito.

Pinipigilan ko bumigay sa kanya,
Kailangan na tiisin ko s'ya,
Tama si Tita Heurt hanggat kaya ko,
Lumayo na kahit na nasasaktan din ako.

Pinapakinggan ko s'ya kahit nasasaktan,
Kung mananatili pa ko rito mas lalo kami magkakasakitan,
Lahat lahat sa akin ay ibinigay na n'ya,
Wala na kong mukha pang ihaharap sa kanya.

Hindi ko alam ano gusto n'yang gawin ko,
Tanggapin na dinadaan daanan na lang n'ya ako,
Na umakto na parang walang nangyari,
Kahit na alam namin na may malaking mali.

Ni hindi na n'ya ko matapunan  ng tingin,
Mga mata ko ay hindi na n'ya kayang salubungin,
Kahit na ako man ang lahat lahat para sa kanya,
Bubuuin ko ang aking sarili iyon ang mabuting pasya.

Sabi ko gamutin n'ya ang sarili n'ya,
Pagkatapos ay tinalikuran ko na s'ya,
Ang umiyak ay hindi ko na napigilan,
Kahit na ako tinitingnan ng karamihan.

Kinabukasan ay nagpaalam ako,
Sa mga naging kasamahan ko,
Isa isa ko  silang niyakap,
Hindi ko inaasahan ang kanyang pagyakap.

Wala iyon kasinghigpit,
"Good bye baby" ang kanyang huling sambit,
Bumuhos na rin ang luha ko,
Tapos tinalikuran na n'ya ako.

Lumuluha  ko s'yang pinagmamasdan,
Pinipigilan na s'ya'y sundan,
Niyakap s'ya ng kanyang ama,
Walang kasing sakit aking nadarama.

Si Maxrill ay tuluyang inakay ako,
Hagulgol n'ya ay dinig na dinig ko,
Pati ako ay napahagulgol na rin,
Ang desisyon kong ito ay para sa amin din.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon