SANA

834 26 0
                                    

Yaz feel be like

Malungkot kitang pinagmamasdan,
Pinipigilan ang sarili na ika'y sundan,
Ang totoo gusto na kitang yakapin,
Pero ang sitwasyong ito ay dapat nating harapin.

Umaasa pa rin balang-araw mayayakap ka pa ng mahigpit,
Sa kakaunting pag-asa na mananatiling mahal ay kumakapit,
Kailangan ko bitawan ang lahat lahat,
Upang sa buhay mo maging sapat na at karapat dapat.

Kailangan ko isalba ang katiting na naiwan pa sa sarili,
At harapin ang naging resulta ng aking mga pagkakamali,
Hayaan natin ang isa't isa na muling mabuo,
At sa muli nating pagkikita ay mamahalin kita buong-buo.

Hindi kailanman sasapat na mahal natin ang isa't isa,
Kung ang tiwala na binuo ay nagkaroon ng mantsa,
Mantsa na hanggat sariwa nanatili pa rin ang bakas,
Kaya kailangan tanggapin na 'di na kita makikita bukas.

Sana iyong paniwalaan na mahal na mahal kita,
Sana nakikita mo ang salamin ng pagsisisi sa aking mga mata,
Sana maramdaman mo na pareho tayong nasasaktan,
Sana paniwalaan mo na mahihirapan ako na ika'y malimutan.

Hindi na ko nagpatalo sa mga alinlangan,
Ito ang pareho nating kinakailangan,
Nagpapasalamat dahil ika'y nakilala,
Kakayanin nasa kapit sa iyong kamay nararapat na kong kumawala.

Sapat na siguro ang taon nagawa kang habulin,
Asahan mo ikaw pa rin ang mamahalin,
Nabasag ko ang sarili kong pangako sa 'yo,
Kaya heto na ko, handa na sa 'yo lumayo.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now