PAPAKITA

436 10 0
                                    

Yaz feel be like

Kita sa kanyang mga mata,
Ang gulat na ako ay makita,
Wala raw s'yang alam,
Lungkot ay aking ramdam.

Sino nga ba ko para kanyang sadyain,
Matagal na nang ako'y kanyang palayain?
Pero ang nais makita s'ya ay 'di ko itinatanggi,
Katunayan nga isa ito sa dalangin palagi.

Ngayon ko lang napagtanto,
Hindi ko pa malilimot ang Del Valleng 'to,
Ito lang makita s'ya muli ay 'di mapakali,
Nasaan na ang uunahin ko muna ang sarili.

Abot-abot ang aking pagpipigil na tingnan s'ya,
Na hindi talagang apektado sa kanyang presensiya,
Nasaan na ang mga ginawa ko para s'ya malimutan,
Sarili ko sinisimulan ko na naman saktan.

Paano ang gagawin upang hindi n'ya mahalata,
Kung hindi makatingin at nauutal pa sa pagsasalita,
Maging matatag ay kakailanganin ko,
Papakita sa kanya na ayos na rin ako.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now