LOVE WITHOUT LIMITS

268 5 0
                                    

Lahat ng tao ay may pagsubok,
Sa lahat ng aspeto tayo'y sinusubok,
Ating mga paningin minsa'y mapanlinlang,
Aakalain mo ay wala ng kulang.

Lahat ng tao may nakatadhana,
Taong magpapalakas at magpapahina,
Nagmamahal ka na pala iyong mapagtatanto,
Susuungin lahat mapasa'yo lamang ito.

Nasa tabi mo na s'ya,
Gagawin lahat para sa kanya,
Pagmamahalan subukin man malimit,
Uusbong pa rin ang inyong love without limits.

Ilang beses ka na ba pinasusuko,
Ilang pangako na nga ba ang napako?
Ilang beses ka na nasasaktan,
Pero puso mo ba ninais s'yang kalimutan?

Masayang alaala man ay kunin,
Pagsubok muli ay kakayanin,
Bawat wakas ay may panimula,
Panimula na muli bumuo ng panibagong alaala.

Kamay n'ya nais pa ring hawakan,
Labi pa rin n'ya paulit-ulit na hahagkan,
Puso s'ya pa rin ang hanap-hanapin,
Mga bisig s'ya lang ang yayakapin.

Alaala na kayo muli ang magkasama,
Pagmamahal muling ipadadama,
Isip man ilang beses makalimot,
Sa puso ay patuloy na ipagdadamot.

Love without limits,
Paulit-ulit na makakamit,
Isipan man ilang beses s'ya malimutan,
Nadarama para sa kanya ay kaya itong higitan.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now