Chapter 57

284 6 0
                                    

Yaz feel be like

Bakit daw umiiyak ako,
Ito na ba ang kinatatakutan ko?
Si Maxpein ang nagtanong sa kanya,
Ang ginawa ni Hwang ay naaalala n'ya.

'Di n'ya maalala sa buhay n'ya sino ako,
Napatingin s'ya sa singsing n'ya at sa suot ko,
Bakas sa kanyang mga mata na 'di n'ya maalala,
Ako ang bumalik lang sa umpisa bilang kakilala.

Umiiyak ako na lumabas sa kanyang kuwarto,
Si Tita Maze ay mahigpit na niyakap ako,
Mga doktor agad na chineck up s'ya,
Nagsimula na ang pagiging iritable n'ya.

Umiiyak na naghihintay ako,
Hanggang si Maxrill ay umupo sa tabi ko,
Inabutan ako ng panyo, ako ay inaalo n'ya,
Hindi raw ako nakakalimutan ng kanyang kuya.

Hindi ko alam bakit naiinis ako kay Keziah,
Dumating s'ya nawala 'yon nang ako'y niyakap n'ya,
Sa pagkausap kay Maxwell ay sinama n'ya ko,
Sa mga narinig at nakita mas nasaktan lang ako.

Si Maxrill palabas doon ay inakay ako,
Pagkalabas ay humagulgol na ko,
Lumipas ang mga araw ay binantayan ko s'ya,
Palagi ako ang nanatiling nasa tabi n'ya.

Kahit na puwedeng sumuko at iwan s'ya,
Nanatili ako at mas lalong lumalim pagmamahal ko sa kanya,
Wala na kong makitang pagmamahal sa kanyang tingin,
Hanggang sa ako ay nagawa n'yang tanungin.

Tanong na mas nagpasakit sa akin,
Pinilit kong 'di maiyak nang s'ya'y sagutin,
Nagsorry dahil hindi n'ya naalala,
Sagot ko araw-araw ko sa kanya ipapaalala.

Hanggang sa bumalik na s'ya sa akin,
Na engaged talaga s'ya sa 'kin,
Lumipas ang mga araw hanggang nakalabas na s'ya,
Mas gusto n'ya manatili sa Palawan alam ko iba ang dahilan n'ya.

Kahit ganoon ay hindi ako umalis,
Kahit alam ko minsan s'ya ay naiinis,
Sa hotel nila kami tumuloy magkasama sa kuwarto,
Palabas na ang pamilya n'ya, nagtataka s'ya bakit 'di ako kasunod ng mga ito.

Sa mga narinig n'ya halata sa kanya ang pagkalito,
Si Tita Maze binalaan lang naman s'ya nito,
Pag ako ay pinaiyak pa n'ya,
Sa pagtratrabaho ay titigil s'ya.

Nang makalabas ang mga ito,
Lilipat na lang ako sa ibang kuwarto,
Si Maxrill kakausapin ko sabi ko sa kanya,
Ako ay tinitigan n'ya, manatili ako sabi pa n'ya.

Pahabol ko ay sa sofa na lamang ako,
Damit n'ya at gamot ay inihanda ko,
Pumasok ako sa kuwarto at natigilan,
Sa mukha ko na lang s'ya tiningnan.

Pinainom ko s'ya ng gamot n'ya,
Pati na rin damit ay inabot ko sa kanya,
Sa kanyang labi ay hinalikan ko s'ya ng mabilis,
Umiiyak ako sa loob ng cr at doon na rin nagbihis.

Maingat ako nagpunta sa sala at doon nahiga,
Hindi ako makatulog kahit kulang ako sa pahinga,
Nagsalita s'ya at pinababalik ako sa kuwarto,
Tabi na raw kami na ikinangiti ko.

Ngayon ko lang nabatid ang laki ng kama,
May naka pagitan na unan ayos na basta s'ya'y kasama,
Nagising ako nagtungo agad sa banyo,
At doon ay tuluyang nagduwal ako.

Napatingin ako sa sarili sa salamin,
At sa aking tiyan ay napatingin,
Muntik ko nang makalimutan,
Kelan nga ba ko huling dinatnan?

Sa salamin napatingin ulit ako,
Nasa pinto si Maxwell nakinagulat ko,
Sa akin diretso ang kanyang pagkakatingin,
Hinarap ko s'ya at pangalan n'ya nagawa kong banggitin.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon