Chapter 42

530 19 0
                                    

Yaz feel be like

Tinatawagan ko s'ya,
Pati na rin kapatid n'ya,
Hindi na naman ako nakakain,
Napanood ko ay nagawa kong isipin.

Madaling araw na ng tawagan ako ni Naih,
Lalo akong nasaktan sa mga kuwento n'ya,
Talagang hindi na n'ya ako mahal,
Siguro nga ay hindi n'ya ko talagang minahal.

Kinabukasan si Katley aking niyaya,
Uminom ako kasama s'ya,
Panay kuwento at inom ko,
Sigurado raw ba ako.

Kuwento ni Naih sinabi ko sa kanya,
Na sila na nga ni Keziah,
Ano nga ba ang laban ko,
Malandi lang nga pala ako.

Hindi malabo na magustuhan n'ya si Keziah,
Matino na at palaging kasama n'ya,
Kaya hindi pala ko sinundan ng loko,
May ipinalit na pala sa akin na bago.

Panay ang payo ni Katley sa akin,
Ang pananaw namin ay magkaiba rin,
May tamang oras at tamang tao sabi n'ya,
Sumang-ayon naman ako sa kanya.

Nagpapasalamat ako sa kanya,
Kaya pumayag na ko sa gusto n'ya,
Nakinig ako sa kanyang mga payo,
Magsisimula na muli ako magtrabaho.

Kung alam ko lang na ganitong mag-eenjoy ako,
Sana dati pa ay nagtrabaho na ko,
Nag-aral ako ng nursing dahil sa kanya,
Hindi naglaon trabahong ito minahal ko na.

Gabi na natapos ang duty ko, masakit aking ulo,
Sumakay ako sa kotse at binuksan ang radio,
Natigilan ako nang marinig ang kantang kinanta n'ya,
Ilang buwan pa ba ang kailangan ko para malimutan s'ya.

Pag uwi ko sa labas may nakita akong sasakyan,
Pumasok ako ang bumisita ay hindi ko inaasahan,
Hindi ko maiwasan na madismaya,
Ang nandito ay si Rem at hindi s'ya.

Sabi nito ay hindi s'ya hihinto,
Sinabi ko na si Maxwell ang mahal ko,
Na hindi na ko makikipagbalikan sa kanya,
Alam ko na nasaktan ko na naman s'ya.

May narealize ako sa sitwasyon namin,
Katotohanan na nasasaktan akong tanggapin,
Na ako ay hindi na n'ya mahal,
Puso ko sa sakit tila sinasakal.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now