MR. BEST

317 14 0
                                    

Maxwell feel be like

Naging inspirasyon ko s'ya,
Naging the best ako dahil sa kanya,
Simula nang s'ya'y makilala,
Mga pangarap ko roon din nagsimula.

Tinanggap na sa sarili na tatandang mag-isa,
Subalit nakilala ko ang magandang Marchessa,
Gagawin ko ang lahat upang s'ya'y maging aking kabiyak,
Nag-iisa kong pangarap na nais kong matiyak.

Lahat ng bagay na may kinalaman sa kanya ay kinabisa,
Ang matuon sa iba ang kanyang atensyon ay aking kinabalisa,
Unang beses natakot sa paningin ko s'ya'y maglaho,
Mga pangarap na binubuo unti-unti naglaho.

Nangako sa sarili na gagawin lahat para sa kanya,
At ako lang ang magiging Mr.Best ng buhay n'ya,
Nasa aking bisig hindi ko na s'ya papakawalan,
At s'ya ang nag-iisa na nais kong pakasalan.

Mr.Best sa buhay n'ya ay ako lamang,
Pupunan ko na ang aking pagkukulang,
Narito na ko para sa kanya kahit kailan,
Dahil pagiging the best ko ay s'ya ang dahilan.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon