ZAIMIN YAZ DEL VALLE MOON

270 8 0
                                    


Hindi ako makapaniwala,
Hindi ko inaakala,
Ang dating pinapangarap ko,
Ay mamahalin ako.

Ang dati kong pangarap,
Aking nahanap at ako'y tinanggap,
Akala hindi na ko magmamahal muli,
Pero ang sumugal ulit ay aking pinili.

Sa kanya labis akong humanga,
Kahit pa naging mukha kong tanga,
Nararamdaman ko ay lumalim,
Minamahal n'ya pala nang lihim.

Hanggang sa hindi na kinaya inamin,
Nilalaman ng kanyang damdamin,
Aming pagmamahalan ay sinubukan,
Nagkahiwalay kami at nagkabalikan.

Marami akong nagawang mali,
Mapalad na pagmamahal n'ya ay nanatili,
Tinanggap namin ang pagkukulang ng isa't isa,
Binigyan ang mga sarili namin ng pag-asa.

Ako si Zaimin Yaz Marchessa noon,
Zaimin Yaz Del Valle Moon na ngayon,
Natagpuan ang Mr.Best ng buhay ko,
Mahal na mahal ko s'ya at mahal n'ya rin ako.

Minamahal namin ang isa't isa na walang limitasyon,
Isang ganap na buong pamilya na kami ngayon,
Sulit ang sakit, paghilom at aming paghihintay,
Dahil sa bunga ng aming pagmamahalan saya namin ay walang kapantay.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now