Chapter 37

1.5K 32 0
                                    

Yaz feel be like

Si Maxrill sa labas ng elevator nakatayo,
Sa pagtawag n'ya sa akin, bumalik ako sa wisyo,
Tatlong beses na raw iyon sa pagtawag n'ya,
Nitong nakaraang araw sa akin s'ya'y dumistansya.

Mayroon daw dinner sa kanila mamaya,
At panigurado nandon kanyang kuya,
Kaya kahit paano ay naexcite ako,
Masaya dahil s'ya'y makikita ko.

Si Maxrill, "dude" ang tawag sa akin,
Sa anong paraan ba raw n'ya ko tatawagin,
"Noona" ang inis ko namang sagot sa kanya,
Si Maxpein lang daw ang nag-iisang noona n'ya.

Hinatid n'ya ko sa tinutuluyan,
Sa susunod daw paghatid n'ya ay aking babayaran,
Maglalakad na dapat ako, s'ya itong nagpumilit,
Natigilan ako nang "I missed you" bigla n'yang sambit.

Naghanap ako ng maaring susuotin ko,
Yung damit na si Maxwell ay mapapansin ako,
Todo pose pa ko sa harap ng salamin,
Lahat ng damit kasi ay bagay sa akin.

Hindi pa ko nakakapili ng damit,
Itong si Maxrill tumawag nagsusungit,
Sa itsura ng suot ko ay nagagalit s'ya,
Nang makarating kami, gusto kong lumubog sa hiya.

Hindi akma sa dinner ang suot suot ko,
Si Maxwell ay sinulyapan lang ako,
Ang inaasikaso at katabi n'ya ay si Keziah,
Si Maxrill kay Dainty ay tinutukso n'ya.

Matapos kumain nagkausap kami ni Keziah,
Nasampal ako sa mga sinabi n'ya,
Tama s'ya na selfish ako,
Ang minahal ni Maxwell ay maling tao.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now