LOVE WITHOUT LIMITS

351 6 0
                                    

Unti-unti nang nalilinawan,
Nandoon na s'ya sa Palawan,
Ano ang kanyang sadya,
Iyon ba ay saktan s'ya?

Sa kanila s'ya'y nagbabantay,
Pagkakataon kanyang hinihintay,
Sino talaga ang pakay n'ya,
Bakit sa kanya kung makatingin s'ya?

Sa mga Moon s'ya ay galit,
Ano ang gusto n'yang kapalit?
Ang panganay ay kanyang puntirya,
Dahil ang kailangan ba ay nasa kanya.

Panganay ay mahal s'yang talaga,
Sa buhay n'ya ito ay sobrang halaga,
Hawak sa kamay nito ay sobrang higpit,
Ayaw na ayaw silang dito ay makalapit.

Sa tuwing magkasama ay nagpapakita,
May nilalaman ang bawat binibitawang salita,
Bakit kailangan kasama ang mga rango,
May lihim nga bang itinatago?

Misteryo ay muling nababalot,
Tingin n'ya nakakakilabot,
May kinalaman nga ba ang emperyo,
At pilit silang pinaglalayo?

Ito ba ay dahil sa ramdam na inggit,
O may dahilan na mas higit,
Ito ay mas higit pa kaya sa kayamanan,
O may itinatago s'yang katotohanan?

Pagkalipas ng maraming taon,
Bakit ginugulo n'ya ang mga Moon?
Tuso na pangunahing lalaking rango,
Hanggang ngayon ay walang pinagbago.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon