Chapter 61

438 5 0
                                    

Kinakabahan ako,
Si Maxwell ay niyakap ko,
Tingnan ko raw kanyang pamilya,
Blangko ang mga mukha nila, ako'y nadismaya.

Ilang sandali ay nagulat ako,
Isa isa silang lumapit at niyakap nila ko,
Nang si Maxrill na ang yayakap sa akin,
Inilayo n'ya ko rito, s'ya'y threatenpa rin.

Sabi ko sa mga ito 'di pa kami sigurado,
Pero si Maxwell sigurado raw na buntis ako,
Bulong n'ya dahil nilahat n'ya,
Kaya naman napalo ko s'ya.

Lahat sila ako ay inasikaso,
Sa sinabi ni Maxwell lumambot aking puso,
Si Tita Maze tumayo at ako niyakap n'ya,
Si Maxpein niwelcome ako sa kanilang pamilya.

Si Maxrill ibinigay sa akin lahat ng pizza n'ya,
Pati salad ay gumawa pa s'ya,
Si Tito More panay ang ngiti sa akin,
Ang kasal ay pinag-usapan namin.

Pagbubuntis ko ay nanatiling sikreto,
Bawal kong sabihin kahit kanino,
Dahil ikakapahamak namin,
Si Tito More ang emperyo nais nang lisanin.

Pero nirerespeto n'ya mga anak n'ya,
Naiintindihan ko s'ya,
'Di madali pinagdaanan ni Maxpein,
Ayaw n'ya pati mga apo n'ya ito'y danasin.

Lumipad kami patungo sa Germany,
Naiyak si Maxwell dahil ganap na s'yang daddy,
Masayang masaya na buntis ako,
Binibigay n'ya lahat ng gusto ko.

Umuwi na kami sa Laguna,
Bumili ako ng cellphone kasama sila,
May nakita akong dress at nagustuhan ko,
Ayaw ni Maxwell noong una napasimangot ako.

Bibilhin na raw n'ya,
Gusto ko pumasok sabi ko sa kanya,
Baka raw may makahalata sa amin,
Mabuti at pumayag si Maxpein.

Mga damit ng baby ay kinukuha ko,
Si Maxwell sa dami ay halos sumuko,
Blue at pink ang aking nagugustuhan,
Si Maxwell ay red naman.

Saka na raw ang bottle na gusto ko,
Biglang nalungkot ako,
Bibilhin n'ya ang store sabi pa n'ya,
Nagulat ako sa kanya.

Nagugutom na raw s'ya,
Halata na ang pagod sa kanya,
Nakatulog na sila Maxpein,
Binayaran ng magulang n'ya ang binili namin.

Panay ang kuha ko ng litrato,
Pati ilong ni Maxwell kinukuhanan ko,
Ako ay sinusuway n'ya,
Nanonood kasi s'ya.

Inaantok na ako,
Patulog na sana ko,
Tumayo ko at lumayo sa kanya,
Ayoko bigla ang amoy n'ya.

Kay Maxrill ay lumapit ako,
Biniro na mas gusto ko amoy katinko,
Ako ay binibiro n'ya,
Kikilitin ko na sana s'ya.

Si Maxwell ay hinila ako,
Amoy n'ya ay hindi ko gusto,
Kahit hinubad n'ya ang suot n'ya,
Hanggang kamay ko hinila ko sa kanya.

Mabilis ako nagtungo sa banyo,
Nagkalampagan sa sala narinig ko,
Silang lahat nag-aalala sa akin,
Binigyan ako ng tissue ni Maxpein.

Sabi ni Maxwell maliligo na s'ya,
Sabi ni Maxpein si Maxwell  mahaba raw pasensya,
Tinanong ko nang s'ya ba'y buntis ay ganito rin,
Mas maarte raw ako kay Naih sagot n'ya sa akin.

Hindi lang ng gabing 'yon kay Maxwell ay naiinis ako,
Pati pagtawa, pagbubuntong hininga n'ya kinaiinis ko,
May araw na parang ayaw ko s'yang makita,
Sa pagtulog sa akin ay nakatalikod s'ya.

Ikakasal na kami sinabi namin,
Sila Keziah at Randall ay bumati sa amin,
Si Randall nagsisimula na naman sa kalokohan n'ya,
Niyakap ko naman si Keziah.

Nagkausap kami ni Keziah,
Saka pagka prangka ko ay nagugulat s'ya,
Kay Maxwell nagsisimula na s'yang magmove on,
Pagiging desperado n'ya inamin n'ya sa 'kin ngayon.

Hindi ko magawang magalit sa kanya,
Dahil naiintindihan ko s'ya,
Pasalamat daw ako,
Na s'ya'y inaway away ko.

May pagka maldita raw ako,
At s'ya ay sinagot ko,
Payo ko pa nanliligaw sa kanya,
Ay sagutin na n'ya.

Ang magmahal takot na raw s'ya,
Hindi na raw mauulit pagiging desperada n'ya,
Para sa kanya ay mahahanap din nito,
At hindi si Maxwell ito.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon