LOVE WITHOUT LIMITS

549 13 0
                                    

Taon man tayo nagkalayo,
Asahan ang pag-ibig ko sa 'yo,
Ikaw ang nag-iisang mahal ko,
Magkakaroon muli ng ikaw at ako.

Ikaw ang minahal ng totoo,
Mamahalin ka na ng buo,
Tutuparin na ang binitawang pangako,
At ngayon ay hindi na susuko.

Aking nadarama ay walang katumbas na salita,
Kinang at kislap ay mababasa mo sa aking mga mata,
Hindi mapapagod sabihing mahal na mahal kita,
Itong puso ay para sa 'yo lang aking sinta.

Huwag isipin na ika'y binalewala,
Katunayan takot na ika'y mawala,
Ito na ang panibagong simula,
Gagawa muli tayo ng bagong alaala.

Pag-ibig ko sa 'yo ay walang limitasyon,
Ikaw ang aking inspirasyon,
At maging aking distraksyon,
Mahal kita mula noon hanggang ngayon.

Bigyan ang puso ng pangalawang pagkakataon,
Wala ng takot hindi kagaya noon,
Hindi na baleng masaktan muli ngayon,
Malalagpasan dahil pag-ibig ko ay walang limitasyon.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now