NANGUNGULILA

636 22 0
                                    

Maxwell feel be like

Simula ngayong gabi,
Hindi ka na makakatabi,
Ramdam ang iyong pagkawala,
Sa 'yo ngayon ay nangungulila.

Naaalala noong ika'y nakakasama,
Walang kasingsaya ang nadarama,
Naaalala sa tuwing sinusundan mo,
Mga mata na walang patid sa pagsamo.

Nangungulila ngayon sa iyong yakap,
Naaalala kung kelan ako nag-umpisang nangarap,
Na makakasama ka na sa aking pagtanda,
Natalo tayo ng kasinungalingan at pagdududa.

Nangungulila sa iyong paglalambing,
Mangangarap na lang na ika'y muling makakapiling,
Gagawin lahat upang pagmamahal ko ang mangingibabaw,
Sana sa aking paghilom sa akin 'di ka pa bumibitaw.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon