Chapter 54

353 10 0
                                    

Yaz feel be like

Ako ay nagugulat sa kanya,
Masasabi ko na grabe s'ya,
Ako itong may karanasan,
Enerhiya ko tila ako ay matatakasan.

Grabe ang mahal kong ito,
Hindi pa naabot ng minuto,
Heto na naman s'ya,
Baka mabuntis ako paalala ko sa kanya.

Matindi ang stamina n'ya,
Ako ang napagod sa kanya,
Ilang beses n'ya ko inangkin,
Na ayos lang din sa akin.

Nakatulog kami agad dahil sa kapaguran,
Kaya tinanghali kami ng gising kinabukasan,
Nagturuan pa kaming dalawa,
Sa mga kuwento n'ya tawa kami ng tawa.

Nabanggit n'ya sa akin ang problema nila,
Sangkot si Hwang kaya kinabahan ako bigla,
Kailangan na s'yang maibalik sa kaechon,
Sa lalong madaling panahon.

Hindi nawala sa isip ko ang naikuwento n'ya,
Mag gagabi  na kaya sa pag uwi nag aya na s'ya,
Nahalata ko kanyang mabilis na paglalakad,
Wala pa man kinakabahan na ko agad.

Tumitingin s'ya sa paligid namin,
Hanggang sa may mga humarang sa amin,
Tawagan ko si Maxpein utos n'ya,
Natatakot na nga ko ay nagpapacute pa s'ya.

Lumitaw si Hwang sa aming harapan,
Kamay ko ay hindi n'ya binitawan,
Sa mga sinasabi nito ay nagugulat ako,
'Di ko pa nga lubos na kilala ang lalaking mahal ko.

Mga tigre at leon ay napaamo raw n'ya,
Ako ay mas napapatulala sa kanya,
Walang hirap n'ya pinagsisipa ang nakapalibot sa amin,
At hindi pa naghihiwalay ang pagkakahawak kamay namin.

Nasanay ako na si Maxpein ang laging nakikipaglaban,
Ito ang unang beses nakita ko s'ya at hindi s'ya kinakabahan,
Ito rin ang unang beses narinig ang diretsong tagalog n'ya,
Lalaking mahal ko, kilala ko na nga ba talaga s'ya?

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now