LWL

217 4 0
                                    

Akin nang ramdam,
Hindi handang mamaalam,
Ramdam na ang papalapit,
Na pagtatapos ng Love without limits.

Isa sa inaabangang istorya,
Na isinusulat n'ya,
Mga karakter na aking minahal,
Naglarawan ng ibang pagmamahal.

Sa istorya itong nagpapasalamat,
Dahil dito ay napamulat,
Sa kakaibang uri ng pagmamahal,
Pagmamahal na magtatagal.

Sabihin man nila hindi na sila totoo,
Na mga fictional lamang ito,
Pero ang pagmamahalan na inilahad,
Ay totoo at walang katulad.

Sa realidad ng buhay ng tao,
Makakahanap tayo nasa atin bubuo,
Na kabila ng ating pagkukulang at pagkakamali,
Ay mas mananaig ang pagmamahalan sa huli.

Ihahanda ang sarili sa natitirang kabanata,
Dadamhin ang bawat linya at mga salita,
Pagmamahalan nilang walang limitasyon,
Siguradong magbibigay ng halo-halong emosyon.

Katulad ng HIH nahirapan bitawan,
Katulad nito, ito muling mag-iiwan,
Ng hindi matatawarang wakas,
Na sa aking isip at puso may iiwanang bakas.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon