SABIHIN

569 17 0
                                    

Yaz feel be like

Sabihin paano magsisimula,
Kung bawat segundo ikaw ang naaalala,
Sabihin paano maghihilom,
Kung ang puso ko tila tinutusok ng karayom.

Sabihin kung dapat ba na ika'y kalimutan,
Kung sa muling pagkikita ay iyong sasaktan,
Sabihin kung pagmamahal dapat pang panghawakan,
Kung sa pagbuo ko muli wala namang babalikan.

Sabihin kung dapat manatili na lamang sa malayo,
Kung sa pagbabalik ay magiging balewala na sa 'yo,
Sabihin kung dapat nang subukan magmahal ng iba,
Kung ang nadarama mo sa akin ay nagsisimula ng maiba.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now