LWL/HIH

151 1 0
                                    

ZAIMIN YAZ

Isang magandang dalaga,
Na nagnanais ng pagpapahalaga,
Isang makulit at maalalahanin na ate,
Na aminado namang may pagkamaarte.

MAXWELL LAURENT

Isang lalaking seryoso,
Pihikan yata pati puso,
Pag-uugali ay hindi maintindihan,
Sa mga ikinikilos n'ya pati ikaw ay maguguluhan.

MAXRILL WON

Noon isa s'yang isip-bata,
Pero mapapamaang ka kapag nagsalita,
Pagsasalita n'ya na parang may banta,
Isang Del Valle  misteryoso rin kung umasta.

KEZIAH

Babaeng may gusto sa kanya,
Nasa ospital makakasama n'ya,
Sa buhay nito sino nga ba s'ya?

MAXPEIN ZIN

Kapatid nilang maangas,
Kahambungan nito walang kupas,
Maging sila sa kanya hindi makatakas,
Malapit na kaibigan din ni Yaz.

DEIB LOHR

Nag-iisang lalaking apo ng Enrile,
Ngayon ay isa na ring Del Valle,
Kay Spaun s'ya ang madalas maghele.

ZARNAIH

Wala pa ring kupas,
Binabara ang ate n'yang si Yaz,
Kilos ni Maxrill sa kanyang mata ay hindi nakatakas.

MONTRELL VENTURI

Isang lalaking mapilit,
Del Valle kanyang kinukulit,
Gusto makuha ang isang isla,
Ano nga ba ang magiging  papel n'ya sa buhay nila?

DONATELI AT MAXSPAUN

Mga magulang ay magkaibigan,
Sila ay bunga ng kanilang pag-iibigan,
Maxspaun at Donateli,
Kanino nga ba magmamana ng ugali?

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now