LOVE WITHOUT LIMITS

285 8 0
                                    

Ito ay kanyang istorya,
Damhin mo ang bawat linya,
Paganahin ang imahinasyon,
Pero lagyan din ng limitasyon.

Itong istorya n'yang likha,
May aral muling makukuha,
Mahalin ang iyong sarili,
Lahat tayo ay nagkakamali.

Isipan mo ay buksan,
Sa buhay lahat ay iyong mararansan,
Walang taong ipinanganak na perpekto,
Lahat tayo nabubuhay upang matuto.

Buhay nila ay hindi ordinaryo,
May mga nananatiling misteryo,
Masasaksihan umibig ang panganay ,
Nahanap ang babae mamahalin n'yang tunay.

Lalaking natutong manuyo,
Upang mahal ay hindi na lumayo,
Lalaking nagbigay oras para sa sarili,
Pagbabago ay hindi pa ganap na huli.

Babae nasa iba idinepende ang kasiyahan,
Isang pagkakamali na kanyang pinagsisihan,
Binigyan muli ang sarili ng isang pagkakataon,
Pagkakataon makasama ang mahal n'ya ngayon.

Dalawang tao na tumanggap ng pagkakamali,
Gagawin lahat upang minamahal ay manatili,
Nagmamahal na walang limitasyon,
Gagalangin na ang bawat desisyon.

Kanilang pagmamahalan handa ng patunayan,
Pagsubok ng buhay kanilang sasabayan,
Isa't isa ang kanilang kahinaan at lakas,
Pagmamahalan nila ay hindi magwawakas.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now