AKING DEL VALLE

319 8 0
                                    

Yaz feel be like

Mananatili sa iyong tabi,
Pipigilan ang sarili sa paghikbi,
Tahimik na nag-iisip tuwing gabi,
Nakatingin sa 'yo na may lungkot na ngiti sa labi.

Araw-araw sa 'yo ipapaalala,
Hanggang puso't isip mo ako'y makilala,
Hindi magsasawa sa 'yo magbantay,
Narito ako tahimik na naghihintay.

Marami mang dahilan para sumuko,
Gagawin lahat maramdaman mo na nandito ako,
Hindi ko pa alam kung hanggang kailan makakaya,
Kakayanin ko alang-alang sa kanya.

Makukuntento na iyong kinakausap,
Kahit iba ang dating ng iyong mga pangungusap,
Kahit sa akin halata na 'di ka komportable,
Maghihintay pa rin sa 'yo aking Del Valle.

Ito ang panibago kong simula,
Para mapatunayan sa kanila,
Na mahal kita hanggang langit,
Sa puso at isip ko wala sa 'yong hihigit.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon