MAXRILL WON (HIH)

225 4 0
                                    

Isang binatilyong panakaw-nakaw tingin,
May umuusbong na palang pagtingin,
Ate n'ya nang s'ya'y tanungin,
Ang sagot naman n'ya alanganin.

Sa isang dalaga na gusto ang kanyang kuya,
Umaasa na sana ay mapansin s'ya,
Minsan sa paglalaro sila'y nagkapareha,
Atensyon nito hinihiling n'ya sana ay makuha.

Mas better naman daw s'ya sabi nito,
Kaya kuya n'ya inaasar na ito,
Naninibago na  ito sa kanyang pakikitungo,
Damdamin n'ya ay mas nagbago.

S'ya si Maxrill Won ang bunso ng kanilang pamilya,
Kanyang mabilis na pagbabago ay kinagugulat n'ya,
Isang binatilyo na may pagtingin nasa kanya,
Sinasabi nitong babae walang iba kundi s'ya.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon