MOON SIBLINGS

400 16 0
                                    

TAGSEN (HIH)

Nang magkatinginan ang ating mga mata,
Ako'y nairita kaya naman pinatid kita,
Hindi ko gusto ang iyong tingin,
Tingin mong malamig nagawa kong salubungin.

Isa akong lalaking maloko,
Ikaw pala ang magiging katapat ko,
Isang babaeng sobrang hambog,
Pero kapag galit iba kung sumabog.

Ating posisyon ay nag-iba bigla,
Nang lubos kang makilala,
Ang lalaking nakilalang bully,
Minamahal ka ng truly.

Sa buhay ko hindi ka kayang mawala,
Mga puso ko ay biglang magwawala,
Taguro, nag-iisang babybabe ng buhay ko,
Ikaw dahilan kaya hanggang ngayon nabubuhay ako.

YAZWELL (LWL)

Nang una kang makita,
Hindi ako agad nakapagsalita,
Babaeng sobrang arte,
Naku, isa ka rin pa lang ate.

Pusong ito ay nagambala,
Mula nang ika'y nakilala,
Pangarap ko ay simulan,
Sarili ay 'di na mapigilan.

Kunyari na nagsusungit,
Pero sa akin hulog ka ng langit,
Ako'y tahimik at ikaw ay maingay,
Lahat ng nais mo ay aking ibibigay.

Nagseselos na ko sa aming bunso,
Akala ko ba ako ang laman ng iyong puso,
Tama na ang aking pagtitimpi ng ilang taon,
Handang handa na ko ngayon.

Ikaw na baby ng aking buhay,
Nagpatayo na ko ng ating bahay,
Natatakot na ika'y mawala pa ulit,
Mahal kita, love without limits.

DAINRILL (LWB)

Nang makita kita,
Nauutal ka pang magsalita,
Tinatanong kung ano iyong ngalan,
Sa iyong sagot ako'y natigilan.

Naabutan ka sa larawan ko nakatingin,
Tingin ko nahihiya kang salubungin,
Noong una ako'y nagtataka,
Kapag ako'y kaharap ika'y hinihika.

Sa iyo unti-unti nagiging interesado,
Sa tuwing ako'y malapit ika'y kabado,
Masarap ang luto mong pichi,
Tikman ng ulit-ulit ay 'di ako nagsisisi.

Ganda mo ay nakakatulala,
Gusto na lang kita halikan bigla,
Halika sa may dalampasigan,
Huwag mag-alala ika'y aking ipapasan.

Ating landas ay magsasalubong,
Habang ikaw ay may hawak na payong,
Hawakan maigi at 'wag mo bitawan,
Dahil ako ang hinahanap mong buwan.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon