LWL

402 14 0
                                    

NEW MLDV

Panibagong magpapasaya,
Sa kanilang pamilya,
S'ya ang kukumpleto,
Sa kanilang bagong yugto.

Kanino nga ba magmamana,
Sa kanyang ama o ina?
Abangan ang kanyang kakayahan,
Nag-uumapaw din kaya sa katalinuhan.

NEW MOON

Dadagdag sa miyembro ng pamilya,
Na matagal na pinangarap n'ya,
Panibagong yugto ng kanyang buhay,
Na ngayon mas naging makulay.

Kamay n'ya ay hindi na bibitawan,
Pakamamahalin at hindi na iiwan,
Darating panibagong dahilan ng saya,
Na mas bubuo sa pagkatao n'ya.

NEW PAWN

Inyong pakiramdam ay talasan,
Sasamahan na ang kanyang pinsan,
Sila ang bunga ng pagmamahal na walang kapantay,
Makikita at mararamdaman sa dugong nananalaytay.

Talasan ang inyong pandinig,
Mundo n'yo ay mayayanig,
Bagong miyembro ng kanilang pamilya,
Dugong meron ay papatunayan n'ya.

PROJECT M

Magbabago na ang simoy ng hangin,
Talasan mo ang iyong tingin,
Dahil s'ya ay malapit nang dumating,
Bagong bagyo na sa angas ay tatangingting.

S'ya ang anak ng pinakamataas na ranggo,
Humanda ka na sa unang pagbabago,
Babaliktarin n'ya ang mundong nakasanayan,
At iyon ay kanyang  papatunayan.

S'ya ang gugulantang sa buong emperyo,
S'ya ang hihiranging panibagong bagyo,
Ang nakasanayan nilang batas,
Mas lalong magiging patas.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon